|
|
| Ai Ai buhay na namanAuthor: Ricky Calderon Hindi raw kaya ng double niya ang flying scenes sa Volta kaya si Ai Ai de las Alas na rin mismo ang gumagawa ng mga deli-kadong eksenang ito. "Nakakatawa 'di ba? Ako ang gumagawa ng flying scenes ko kasi hindi kinaya ng double ko ang mga eksena sa paglipad" kuwento ng co-medy concert queen sa presscon ng Volta, ang bagong series niya sa ABS-CBN. Umabot daw sa 60 feet ang taas ng pagbitin sa kanya sa ere. Kaya para huwag malula, hindi raw siya tumitingin sa ibaba. Halos kasing taas na raw kasi niya ang mga building sa paligid niya. Aminado naman si Ai Ai na sobra ang nerbiyos niya sa flying scenes kaya naman panay ang kanyang dasal. Tinitiyak din niya na maayos ang pag-kakabit ng harness to ensure her safety. Ginagawa pa lang nila ni Direk Wenn Deramas at Ai Ai ang Volta: The Movie ay pangarap na talaga ni-la ni Direk Wenn na sana ay maging TV series ito. Heto nga at natupad na ang wish nilang dalawa. Matapos din ang ilang buwan na 'pamamahinga' (matagal kasing walang trabaho si Ai Ai sa ABS-CBN), finally bumabawi ang comedy concert queen at box-office star ng Ang Tanging Ina dahil muling mapapanood ang beauty niya sa telebisyon. Halu-halong comedy at action, pati na rin drama, itong Volta dahil it touches on the value of family Iba na rin ang kuwento ng Volta this time, kasi may family na si Perla (ang alter ego ni Volta). May asawa na siya (played by Jayson Gainza) at dalawang anak, Dino Imperial at Mariel Pamintuan. * * * Happy si Chocoleit dahil kasama siya sa cast ng Volta, ang TV version ng blockbuster movie na pinagbidahan ni Ai Ai delas Alas four years ago at nga-yon ay isinalin sa telebis-yon ng ABS-CBN. Ito ang unang project ni Chocoleit for 2008 at ma-saya ang bading dahil ka-level na niya sina Ai Ai at Eugene Domingo na, tulad niya, ay kasali rin sa mo- vie version. "Happy ako na kasama ako sa movie tapos na-retain pa ako sa TV version. Tapos kuwela pa 'yung plugging nila na joketime trio kami nina Ai Ai at Eugene. Aba, sino na-man ang hindi matutuwa roon," sabi ng stand-up co-median na nakilala rin sa karakter na Pearly Shells sa seryeng Marina. "Natuwa talaga ako na isinama ako sa joketime trio with Ai Ai and Eugene kasi ibig sabihin, kinukunsider ta-laga nila akong komedyante," sabi pa niya. Para raw makasama sa liga nina Ai Ai at Eugene, ibig sabihin ay kinilala na siyang epektibong komed-yante. Reunion project ito ni-na Chocoleit at Direk Wenn Deramas sa TV. Ang una nilang pagsasama ay sa Kampanerang Kuba maliban sa kanyang guest role sa hit comedy film ni Wenn na Pasukob last year. Bukod sa pagiging re-gular host sa comedy bars, Laffline at Punchline, may naka-line up ding shows si Chocoleit sa Australia pa-ra sa TFC subscribers. Source: Taliba |