|
|
| 'Ai Ai delas Alas, lalabas sa 'S.O.P.' para kay Regine Velasquez?![]() Author: Jun Nardo PABORITONG i-guest ngayon ni Regine Velasquez si Ai Ai delas Alas sa kanyang mga concerts. Matapos niyang makasama ang komedyana sa series of concert niya sa Aliw Theater last November until December, heto at sa February 10 and 11 concert ng Songbird at ni Ogie Alcasid sa Araneta Coliseum, babalandra na naman ang Comedy Concert Queen sa palabas na ito kasama si Rico J. Puno at Allan K sa isang special na feature, huh! Ang balita nga namin, nilalambing ni Regine si Ai Ai upang mag-guest sa S.O.P. upang mag-promote ng concert nilang Before & After! Kapag natuloy, hindi naman kaya mag-alburoto ang Channel 2 kung saan naging bahagi na si Ai Ai ng ilang taon? Pero bakit sila magagalit, eh, ang tanging show na lang ni Ai Ai sa Channel 2 ay ang ETK? Wala namang bagong show na inihahain sa kanya, di ba? Kung sakali ngang imbitahan si Ai Ai sa SOP, suwayin kaya niya ang management ng Dos kaugnay ng bagay na ito? Mapapahindian ba niya si Regine sa imbitasyong lumabas sa Sunday show ng GMA? Teka, may kontrata pa ba ang komedyana sa Dos? Naku, kung walang na, bumalik na lang siya muli sa GMA, huh! Tutal naman, bumalik na rin doon ang kaibigan niyang si Arnell Ignacio, �no! Siyanga pala, bukod sa Valentine concert, may espesyal na palabas din si Ai Ai sa January 27 sa Klownz Quezon Avenue bilang bahagi ng 4th anniversary ng comedy bar. Guests niya rito sina Jimmy Santos at Erik Santos. *** Bumandera ang Gulong ng Palad (ni Kristine Hermosa) TJ at nadala nito ang Anghel na Walang Langit nu�ng premiere telecast ng bagong soap na ito ng Dos. Tinalo nito sa ratings ang mga katapat na shows sa Siyete, huh! �Yun nga lang, hindi nito na-sustain ang magandang ratings sa simula at muling nangibabaw ang Sugo at Etheria ng GMA. Kaya naman ang mga taga-Siyete, kampante na naman sa dahilang hindi pa rin sila natitinag sa panggabing programa nila. *** Grabe naman ang sipag ni Richard Gutierrez! Aba, matapos ang selebrasyon ng joint birthday party nila last Saturday ng kambal niyang si Raymond, aysus, kinagabihan ng Sunday, agad siyang lumarga sa shooting ng I Will Always Love You. Kahit na ngarag-ngarag ito sa pagod, hindi pa rin niya pina-pack up ang shooting. Naku, kung ibang artista lang �yan, rest to death muna ang gagawin at isasantabi ang trabaho, �no! No wonder, dahil sa kasipagan ni Richard, pawang biyaya ang dumarating sa kanya, huh! *** Nagsiatrasan ang S.O.P. at S.O.P. Gigsters kahapon sa live telecast ng Pacquiao-Morales return bout. Nag-replay ang dalawang shows na ito ng GMA at ewan lang kung ganoon din ang ginawa ng shows ng Dos. Inaasahan kasing nakatutok ang lahat sa labanang Pacquiao-Morales na talaga namang over ang publicity, huh! Eh, dasal nga ng mga Pinoy, makabawi si Pacquiao sa pagkatalo niya noon kay Morales. Eh, sa SM North EDSA nga lang, pila talaga ang bumili ng tickets ng boxing event na ito. Imagine, P300 ang halaga ng ticket na mapapanood sa isang sinehan sa SM. Gayunpaman, hindi pa rin napigilan ang ilan nating kababayan upang mapanood nang live sa big screen ang Pacquiao-Morales fight of the year! Source: Abante |