Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ai Ai, 'di inurungan ni Robin!

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

PINANABIKAN ng mga Pilipino ang mu­ling paghaharap kahapon nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.

Malinaw na pruweba ang limang sinehan ng Gateway Mall na puno ng manonood at nagpa­labas ng Pacquiao-Marquez boxing match.

Mahal ang presyo ng entrance tickets (P600) at kung tutuusin, puwedeng panoorin sa TV ang mala­king boxing event pero pinili ng mga kababa­yan natin na gumasta dahil iba raw ang excitement na nararamdaman nila kung sa wide screen sila nanonood at nagsisigawan ang kanilang mga katabi sa upuan.

Siyempre, muling nagbunyi ang mga tao na nasa sinehan nang ianunsiyo na panalo si Manny!
***

Si Ciara Sotto ang umawit ng Pambansang Awit sa Pacquiao-Marquez fight.

Wrongly spelled ang pangalan ni Ciara dahil Sierra Sotto ang nakalagay sa screen.
***

Maganda ang 14-year old Filipina-Mexican-American girl na kumanta ng National Anthem ng USA. Lalong minahal ng mga Pilipino ang American singer na si Harry Connick Jr., dahil kumain siya ng ba­lut habang nasa stage sa successful concert niya sa Plenary Hall ng PICC noong Sabado nang gabi.

Ikinatuwa ng audience ang kakaibang gimik ni Harry dahil bibihira sa mga foreigner ang kumakain ng balut.

“Phenomenon” para sa mga dayuhan ang pagkain ng balut ng mga Pili­pino at pandidiri naman ang nararamdaman ng iba kapag nakikita nila na kinakain natin ang mga sisiw mula sa balut.

Huling napanood si Harry sa PS I Love You, ang pelikula na pinagbidahan nina Hilary Swank at Gerard Butler.
***

Nakakapag-alala ang episode ng XXX noong Sabado tungkol sa fast-food store na gumagamit ng expired processed meat sa mga pagkain na ipinagbibili nila.

Nakakabahala dahil nang ipasuri ng XXX ang mga processed meat sa National Meat Inspection Service, kinumpirma ng tauhan ng nabanggit na government agency na matagal nang expired ang mga karne na ginagamit ng fast food store at hindi na ito dapat kainin dahil sa presence ng ecoli at micrococci bacteria na masama sa kalusugan ng mga tao.

Sinabi ng XXX ang pangalan ng fast-food store na may pitong branches.

Hindi man nila binanggit ang location ng fast-food chain, nakita sa mga dokumento na ipinakita nila sa TV ang pangalan ng mall sa Quezon City kung saan matatagpuan ang branch ng fast-food.

Bigla kaming nag-isip kung tinangkilik na ba namin ang naturang fast-food chain na inireklamo sa XXX ng empleyado nila.

Malaking kasiraan sa nasabing fast-food store ang report ng XXX na nag-ipon ng mga ebidensya para mapatunayan na wala silang intensyon na manira.

Palagi naming pinapanood ang programa nina Julius Babao, Ka­ren Davila at Henry Omaga-Diaz, dahil maga­ganda ang mga episode na kanilang ipinakikita.
***

Nagbitaw ng salita si Robin Padilla na hindi siya matatakot ni Ai Ai delas Alas sa kanilang love scene sa Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy.

Aba, para nga siyang si Manny Pacquiao na palaban kay Marquez! Na hindi siya uurong kay Ai Ai sa kahit na anong laban nila!

Anyway, hindi pa nakukunan ang love scene nila sa pelikula nang magbitaw ng statement si Robin para kay Ai Ai na umamin na totoo na may gusto siya sa kanyang leading man.

Kaya hindi pa namin alam kung nag-ala-Pacquiao ba siya kay Ai Ai? O naging Marquez siya sa harap ni Ai Ai?
***

Mga manggagawa sa tubohan o sugarcane farmers sina Ian de Leon, Mart Escudero at Carlito “Mang Enriquez” Campos sa Monday to Wednesday episodes ng Kung Ako Ikaw.

Naranasan ng tatlo ang hirap ng mga manggagawa sa sugarcane field.

Mamayang gabi na mag-uumpisa sa GMA 7 ang “Magtutubo” episode ng Kung Ako Ikaw.***Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com

Source: Abante