Mar 15
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ai Ai nagpamudmod ng biyaya!

Ai Ai nagpamudmod ng biyaya!

Author: Jun Nardo
Column: Talaga? Sige Na Nga...

NAGPAKAIN at nagpamudmod ng blessings si Ai Ai delas Alas sa staff and crew sa last shooting day nila ng Pasukob last Tuesday.

Tatlo ang location ng mga eksenang kinunan last Tuesday. Una ay sa Commonwealth, QC, na kung saan ay tracking shot ang eksena.

FX driver si Ai Ai at assistant niya si Allan K., samantalang isa si Rufa Mae Quinto sa pasahero nila.

Inabot nang mahigit isang oras ang tracking shot na �yon, kung saan binulabog ng tatlo ang kahabaan ng Commonwealth Avenue, huh!

Inaantok na nga kami nang dumating sila sa pinagmulan ng eksena sa harap ng Our Lord�s Grace Montessori na closed na pala, kaya doon tumambay ang lahat, huh!

Nang makita nga kami ni Ai Ai, "Uy, nandiyan ka pala. Last day shooting kaya alam mo na! Sulat mo palagi ang concert ko, huh! Ako bahala sa �yo! Ha! Ha! Ha!" sabi Ai Ai na agaw-pansin ang yellow green niyang pang-itaas na damit.

Of course, sa Nov. 16 ang Ai Ai Ay...The Greatest Performance of My Life ng Comedy Concert Queen sa Araneta Coliseum, kaya watch ninyo �yon.

Nalaman nga naming may pa-dinner si Ai Ai sa lahat. Biniro nga siya ng staff na sa North Cemetery raw ang dinner na siyang third location at hindi sa UP Balara, na kasunod na location after Commonwealth.

"Huwag ganoon! Mag-dinner ba sa sementeryo? Undas pa ba?" reaksyon ni Ai Ai.

After ng first location, sinabi namin kay Allan na sa North Cemetery na lang kami pupunta, dahil may mga social obligations pa kami that Tuesday night.

Umuwi pa kasi si Allan sa bahay niya bago pumunta sa second location.

Pero hindi na rin pala nakapunta sa North Cemetery ang cast and crew at doon na lang sa UP Balara tinapos ang lahat ng eksena, huh!

Eh, malayo rin kasi sa amin ang Balara at antok na rin kami, kaya hindi kami nakatikim ng pakain at blessing ni Ai Ai.

Naku, ipaaalala namin sa kanya �yan sa next presscon ng Pasukob.

***

Tumawag daw ang isang female singer sa isang kaibigan ng dati niyang manager. Nagpapatulong daw ito na lumipat sa network na pinatatrabahuhan ng manager niya.

Isang malutong na halakhak lang daw ang isinukli ng manager, nang makarating sa kanya ang request ng dating talent. Hindi kasi naging maganda ang hiwalayan nila.

Feeling daw kasi ng singer, hindi siya nabibigyan ng magandang exposures sa pinili niyang network. Kaya gumawa siya ng paraan upang muling amuin ang dating niyang manager.

But sad to say, hindi nagtagumpay ang singer sa request niya!

***

For comments and suggestions, e-mail us at jnardo_55@yahoo.com.

Source: Abante