Dec 02
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Ai Ai no comment kay James, Kris

Blooming si Lovi Poe nu'ng gabi ng Star Awards for Movies na ginanap kamakailan lang. Agad naming itinanong kay Lovi ang tung-kol sa isyung hinaharap niya ngayon involving her mom, na kesyo masyado na raw siyang hinihigpitan to the point n...

 

Ai Ai no comment kay James, Kris

Column: Eksenadora
Author: Chan-Chan Torres

Blooming si Lovi Poe nu'ng gabi ng Star Awards for Movies na ginanap kamakailan lang.

Agad naming itinanong kay Lovi ang tung-kol sa isyung hinaharap niya ngayon involving her mom, na kesyo masyado na raw siyang hinihigpitan to the point na hindi na raw sila nagkakaintindihan?

Ang dahilan diumano ng mga ganitong pangyayari sa buhay ni Lovi ay ang rumored love affair niya with Jolo Revilla.

Na kung totoo nga ay parang you and me against the world pala ang drama ng dalawa, huh?

Mariing sinabi ni Lovi na anuman ang sabihin ng kanyang ina ay alam ni-yang ito'y para lamang sa kanyang kabutihan.

Alam ni Lovi na ayaw ng mommy niya na mapahamak siya or something kaya hindi umano ito nagkulang sa paalala.

In fairness, it's not just because of Jolo lang naman daw kung kaya't ganito ang nagiging reaction ng mommy ni Lovi.

Nilinaw din niya na kahit sino pang guy ang ma-link sa kanya ay tiyak na ganito rin ang magiging reaksyon ng kanyang ina.

Wala namang masabi si Lovi sa kung paano siya tratuhin ni Jolo dahil sob-rang mabait at maayos daw siyang pinakikisamahan ng binata.

Mukhang tinamaan nang husto ang binatang anak nina Senador Bong Revilla at Lani Mercado kay Lovi.

Thankful naman ang dalaga sa pamilya ni Jolo dahil sobrang bait daw ng mga ito.

Anyway, congrats kay Lovi sa pagkapanalo mo sa PMPC Star Awards ng Best New Movie Actress.
* * *
Kahit nili-link si Ruffa Gutierrez sa isang basketball player ngayon, tahasan pa ring sinasabi ng beauty queen/ TV host na hindi pa niya kayang magmahal muli.

Mas gusto raw muna ni Ruffa na bigyan ng panahon ang sarili, higit na ang kanyang mga anak na sina Lorin at Venice.

Sa kabila ng pag-aalala ng madir niyang si Annabelle Rama na may launching movie na My Monster Mom (ipapalabas sa July 2), sinabi ni Ruffa, walang dapat ipag-alala si Tita Annabelle because she's a year older at alam na rin niya ang tama at mali.

Lumabas na rin ang mga larawan ng admirer na ito ni Ruffa na nagngangalang Redda?

Ito ba ang sinasabi ni Tita Annabelle na kamukha ni Yilmaz Bektaz? In fairness, mas guwapo naman si Yilmaz.
* * *
Ayaw nang magkomento pa ni Ai Ai delas Alas tungkol sa isyung Kris Aquino at James Yap.

Napanood namin ang komento ni Ai Ai nu'ng gabing ginawaran siyang parangal sa Star awards, naaliw kami sa naging sagot nito.

"Mukhang may gusto nga yata si James sa akin. Hindi pa siya nakakapag-move -on. Ayan, dinadaan ko na lang sa tawa," ani Ai Ai.

Tanggap na rin ni Ai Ai na hindi na nito makakasama si Kris sa proyektong gagawin sana nila.

Dagdag pa ni Ai Ai, ipinagdarasal na lang daw niya sina James at Kris.

Muli ang aming pagbati kay Ai Ai sa pagkapanalo ng Best Actress para sa pelikulang Ang Cute ng Ina Mo sa katatapos lang na PMPC Star Awards for Movies.

Source: Taliba