|
|
| Ai Ai, panay ang hingi ng alahas kay Sharon!![]() Author: Rey Pumaloy HINDI pa man nagsasama sa pelikulang BFF (Best Friends Forever) sina Sharon Cuneta at Ai Ai delas Alas ay nakatanggap na ng alahas ang huli sa una. “Wala pa kaming movie noon. Pag nakikita ko siya, madalas ko siyang sinasabihan na ang lalaki ng alahas niya. Tapos pag nakikita ko rin si Mommy Elaine (Cuneta), palagi kong pinupuri ang mga alahas na suot niya. One time, sabi ko kay Mommy Elaine, 'bigyan mo naman ako ng alahas'. Eh, binigyan nga ako ng singsing,” natatawang kuwento ni Ai Ai. Hirit naman ni Sharon, pareho silang fan ng mommy niya ni Ai Ai. Madalas daw silang manood ng show ni Ai Ai sa Music Museum noon. “Hinihingan ko ng alahas si Mommy Elaine sa show ko. At binibigyan naman niya ako. Ha! Ha! Ha! “Marami-rami na rin akong nakuhang alahas sa kanila, at alam kong mas marami pang ibibigay si BFF (Sharon) in the future na alahas sa akin. Ha! Ha! Ha! “Si Mommy Elaine ang daming alahas at si Tita Helen (Gamboa, tita ni Sharon), marami ring alahas. Naku, ang pamilya nila, grabe ang daming alahas!” say pa ni Ai Ai. Anyway, sa naturang presscon ay inamin ni Ai Ai na mas nauna niyang kaibigan si Sharon, kesa kay Kris Aquino. “'Yung sa amin ni Kris, 2003 lang kami naging friends. Eh, 30 years na si Sharon sa showbiz, kaya mas nauna talaga si Sharon.” Aware naman si Sharon na nagkaroon ng problema kamakailan sina Ai Ai at Kris. At sabi nga niya, hindi raw siya nakialam sa problemang `yon ng dalawa. At masaya nga si Sharon ngayon na 'friendship' na ulit sina Kris at Ai Ai. Source: Abante |