Apr 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ai-Ai shares her life story

Author: Gerry Ocampo

SA presscon ng Ang Tanging Ina Mo, Last Na `To ay naikuwento ni Ms Ai Ai na dahil sa hirap ng buhay at hindi kaya ng kanyang parents ang magpalaki  ng isa pang  anak, ipinamigay siya ng kanyang nanay sa kanyang Tita.

"Lumaki at nagkaisip ako na akala ko ay siya ang tunay kong ina.

"Nalaman ko lang na ako ay ampon dahil sa mga kasamahan sa trabaho ng aking kinalakihang nanay.

"Seven years old ako no-on at laging isinasama ng aking nanay sa kanyang trabaho. Sinasabihan ako ng mga kasamahan niya sa trabaho kung sino ang tunay kong nanay.

"Dahil curious na rin ako sa kasusumbat ng mga ka-samahan ni nanay ay na-gawa kosiyang tanungin kung tunay  ba niya akong anak.

"Noon pa lang ipinagtapat sa akin na ako ay isang ampon at ang tunay kong magulang ay kapatid ng husband niya," mahabang pahayag ni Ai Ai.

"Masakit sa isang bata ang malaman sa ibang tao na siya ay isang ampon tulad ng nangyari sa akin. Kaya pala sa tuwing pinagagalitan ako ng nakilalang kong nanay ay sinasabihan ako na bumalik na sa Calatagan Batangas. Doon kasi nakatira ang tunay kong magulang," tsika pa ni Ms Ai Ai.

Anyway, going back sa pelikula niyang Ang Tanging Ina Mo, Last Na 'To na entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival, hindi na raw siya napi-pressure na kailangang  ma-ging topgrosser ang entry nila. Ang mahalaga raw ay nagawa niya sa movie ang best niya  kung kaya nga na-ging top-grosser 'yong nau-nang dalawAng Tanging Ina.

"Hindi na ako napi-pressure, kasi sabi ko noong Ta-nging Ina 1, doon ko na-tutuhan 'yong trust God with all your heart. 'Yong Tanging Ina 1 na launching ko, nanalangin ko kay God na sana ay 'wag umulan para maraming manood.

"Kinabukasan, n'ung first day of showing, nagkaroon ng bagyong signal  no. 3. Pero top-grosser pa rin Ang Tanging Ina 1. So, hanggang ngayonay nasa puso ko pa rin ang pagtitiwala sa Diyos. Kung ano ang gusto niya wala tayong magagawa," bulalas pa ng nag-iisang Comedy Queen.

*  *  *

TALBOG sina Solenn Heusaff at Aubrey Miles kay Akihiro Sato.

Tulad ng aming inaasahan, si Aikihiro ang itinang-hal na Survivor Philippines Celebrity Showdown winner nitong Friday night.

Bago ginanap ang final last Friday, nakasama namin sa mezzanine ng GMA7 ang Top Four castaway na sina Aubrey Miles, Ervic Vijare, Solenn at Aikihiro kasama rin ang iba pang mga natanggal na Survivor castaway.

Napansin namin na magkakasama sa isang mesa sina Elma Muroz, Michelle Madrigal, Jon Hall, Aubrey Miles, Ervic at Aira ng Sexbomb.

Hindi nagpapansinan sina Aubrey at Michelle pero kapwa naman civil sa isa't isa. Nang matapos silang kumain ay kinausap namin si Solenn para hingan ng reaction sa naglabasang ido-donate niya sa charity (kung siya ang mananalo) ang lahat ng cash prize na matatanggap.

"No, hindi naman lahat, Ise-share ko 'yong P600, 000 sa tatlong charities. Tig-two hundred thousand sa bawat isang charity at hindi cash. Ako mismo ang bibili ng mga dapat kailangan doon sa charity na pagbibigyan ko," pahayag ni Solenn.

Wala raw siyang tiwala kapag cash ang ibinigay niya. Baka raw hindi ito ibili ng mga kailangan doon sa charity na pagbibigyan.

Reaction naman niya sa challenge na tatakbo silang hubod-hubad. Aniya, kung nasa Isla pa raw sila ay gagawin niya ito, pero ngayong nasa studio na, hindi na niya magagawang maghubu't-hubad.

Naitsika rin ni Solenn na walang problema sa kanya ang magpaseksi sa pelikula, as long na hindi bastos ang kalalabasan. Pumirma na kasi siya ng kontrata sa Regal Films at sigurado kami na may pelikula siyang sexy na gagawin sa nasabing outfit.

*  *  *

NAGPA-INTERVIEW din sa amin si Ervic bago sila bumababa sa Studio 5 ng Kapuso Network.

Habang kinakausap siya ng ilang press ay nadulas si Ervic sa pagsasabing: "At least kasama ako sa Top Three. "

Tulad ni Soleen, nakahanda na rin si Ervic na pasukin ang showbiz. Nag-enjoy raw siya magmula nang sumali sa Survivor Philippines at wala ring problema sa kanya kung magkaroon siya ng daring scene sa pelikula.

*  *  *

TALAGANG friendly ang Survivor Philippines winner na si Akihiro kaya hindi nakagugulat na ito ang tanghaling winner.

Kapag binati mo ay babati rin ito at lalapit pa sa'yo. Natawa ito nang tanungin namin kung totoo na pinag-usapan daw ng buong castaway na kung sino ang mananalo sa contest ay magreregalo ng I-Pod sa lahat.

"Masyadong mahal" aniya. Gagastos daw siya ng almost P400,000 kapag binigyan niya ng I-Pod ang lahat ng castaway ng Survivor.

Anyway, congrats kay Akihiro na halatang pumayat at tumangkad pa.

*  *  *
TALAGANG pinabongga ng TV5 ang inihanda nilang Christmas party for the entertainment press na ginanap sa Broadway Centrum last Thursday.
May gift sila sa maaagang duma-ting na reporters at bongga rin ang inihandang pagkain na dinaluhan ng big bosses ng TV 5.

Sa simula pa lang ay pa-raffle na ang bumulaga sa mga press at lahat ay nanalo dahil 'yon ang ipinangako ng Kapatid network na lahat ay hindi uuwing luhaan.

Siyempre 'di nawala ang game portions para sa mga reporter. Lahat ng sumali ay panalo dahil kahit 'di winner ay may consolation prize din.      Pero ang umagaw ng attention ng mga entertainment press ay nang ihayag ni Percy,  head for entertainment ng TV5, ang shows na pambungad nila sa 2011.

Ilan sa naaalaala naming inihayag ni Percy ay ang Is-kul Bukol nina Tito, Vic & Joey, Babaeng Hampaslupa na pagbibidahan ni Alex Gonzaga at ang nagbabalik na si Alice Dixson, dalawang obra ni Carlo J Capa-raz na Bangis at Limang Daliri ng Diyos.

Ibabalik din nila ang Ang Utol Kong Hoodlum na pinagbidahan nina Robin Padillla at Vina Morales, pero this time ay si JC de Vera ang gaganap sa title role at ang younger sister naman ni Anne Curtiz na si Jasmine Curtiz ang gaganap sa role  noon ni Vina.

Source: People's Journal