|
|
| Ai-Ai delas Alas: Goodbye Belo, hello Calayan![]() Author: Erwin Santiago Nagulat ang karamihan ng entertainment press na dumalo sa Christmas party na ibinigay ni Dr. Manny Calayan kagabi, December 17, sa pagdating ng comedienne na si Ai-Ai delas Alas. Sa pagkakaalam kasi ng marami ay endorser pa rin ng Belo Medical Group si Ai-Ai. Pero in-announce na nga kagabi na sa 2009 ay ilu-launch si Ai-Ai bilang pinakabagong endorser ng Calayan Surgicenter. Nang tanungin kung bakit siya nag-decide na lumipat sa Calayan ay ito ang naging tugon ni Ai-Ai: "Wala lang, para maiba naman. Mag-explore naman tayo ng ibang pampaganda." Tinanong naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai kung nakapagpaalam na siya kay Dr. Vicki Belo. "Hindi pa, kasi si Boy [Abunda], as my manager, ang nakipag-negotiate kay Dr. Calayan," sabi ni Ai-Ai nang makausap namin siya kagabi sa Alba's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Isa rin sa mga bagong endorser ng Calayan Surgicenter si Boy, kasama ang iba pa niyang mga alaga na sina Mariel Rodriguez at Bianca Gonzalez. Nilinaw naman ni Ai-Ai na wala silang problema ni Dr. Belo. "Okay naman kami ni Doktora, e... Siguro tatanungin niya lang ako, 'Bakit?' Hindi pa kami nagkakausap, e." Hindi pa rin daw alam ni Dr. Belo na lumipat na siya sa Calayan Surgicenter. "Hindi pa, siguro ngayon pa lang," sambit ni Ai-Ai. Sa tingin kaya ni Ai-Ai ay magugulat si Dr. Belo? "I think so," nakangiti niyang sagot. Ano naman ang pakiramdam na endorser na siya ngayon ng Calayan Surgicenter? "Siyempre, proud ako kasi nakikita nila yung beauty within... Sabi nga, 'To C is to believe,'" banggit ng comedienne sa bagomg slogan ng kanyang ini-endorse na beauty clinic. Kung meron man daw gustong mangyari si Ai-Ai sa kanyang katawan ay ito ay ang pagpapayat. "Problema ko 'yon, e. Problema ko talaga kasi matakaw ako, e. Problema ko yung taba talaga," aniya. CHRISTMAS & BEYOND. Ngayong palapit na nang palapit ang Pasko, ano kaya ang plano ni Ai-Ai? "Gano'n pa rin, yung yearly charity ko, and then kaming pamilya, kaming mag-anak," sabi ni Ai-Ai, na ayaw banggitin kung anong charity institution ang kanyang tinutulungan. Ayon kay Ai-Ai, matagal na raw niyang ginagawa ang pagbibigay ng regalo sa isang charity insitution. "Noon pa 'to, baby pa lang yung panganay ko [Sancho]," aniya. "Kasi naniniwala ako na tayong lahat, may purpose tayo... 'Bakit ako artista, bakit ako nakakaangat ng konti sa buhay.' So, sine-share ko yung blessings kasi, alam ko, in my heart, isa 'yon sa calling ko... Tsaka yung mga bata [her children], nalalaman nila yung essence ng Christmas at essence ng pagtulong. Paano niya ia-assess ang kanyang year 2008? "Maganda naman yung 2008 ko. Marami akong shows, nakagawa ako ng pelikulang nag-hit din naman--Ikaw Pa Rin at Ang Tanging Ina N'yong Lahat--and okay naman siya. Kumbaga, with a bang yung ending." Ano naman ang mae-expect ng mga tao sa kanyang sa susunod na taon? "New movie and a new show," sagot ni Ai-Ai. "Kasi na-miss ko ang sitcom. Gusto kong mag-sitcom ulit. Kasi wala nang masyadong sitcom ngayon sa bansa natin, e. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. So, mag-iisip ako ng bagong touch or innovation ng sitcom siguro. "Kasi para sa akin, yun ang kailangan natin sa dami ng problema natin. Masaya kung meron din tayong napapanood na mga comedy shows, not only gag shows, sitcoms." Source: Philippine Entertainment Portal |