|
|
| Ai-Ai delas Alas on Sharon Cuneta and Kris Aquino: "Si Friendship is my Friendship and si BFF is my BFF."![]() Author: Rose Garcia First time na magkasama sa isang pelikula ng dalawang box-office queens na sina Sharon Cuneta at Ai-Ai delas Alas sa pamamagitan ng comedy film na Best Friends Forever (BFF), from Star Cinema under the direction of Wenn Deramas. Walang duda na hindi lang experience of working together ang na-gain nina Ai-Ai at Sharon sa pagsasama nilang ito, kundi naging BFF talaga sila habang ginagawa nila ang pelikula. Ano ang mga na-discover ni Ai-Ai sa Megastar nang makatrabaho na niya ito? "Ang na-discover ko kay Mega, sobra siyang mahilig magbasa ng books," sagot ni Ai-Ai sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ang dami-rami niyang libro. Sobra-sobrang dami niyang libro, sobra-sobra rin niyang ang daming bumili ng libro. At saka DVDs, ang hilig din niya sa mga DVD. At saka mahilig siyang tumawa at magkuwento." Dagdag niya, "Siyempre, isa pang ano ko sa kanya, napaka-good hearted niyang talaga. Napakabait niyang tao. Mabait ang puso niya." FRIENDSHIP VS. BFF. During the question-and-answer portion sa press conference ng BFF last April 27, hindi maiwasang tanungin kay Ai-Ai ang isa pa sa closest friends niya sa showbiz, na minsan ay nakasamaan niya ng loob at recently nga lang sila muling nagkaayos--si Kris Aquino. Natawa nang husto si Ai-Ai sa tanong na kung BFF niya si Sharon, nangangahulugan ba ito na mas matimbang na sa kanya ang Megastar kesa kay Kris? "Pinaka-nakakatawang question yun ha!" natatawang sabi ng comedienne. "Siyempre, sasagutin ko yun. Siyempre, ikaw [pointing to Sharon]. Kasi, hindi ako inaaway ni Senator [Kiko Pangilinan, Sharon's husband]! Charito! Charing, charing! "Hindi, kasi si Mega... Well, si Kris kasi, matagal ko na siyang friend. But yun nga, since ayaw naman sa akin ni James Yap [Kris's husband], e, di dun na lang sa may gusto sa akin! Ano ba, naghahanap ba kayo ng away?" talak niya na natatawa sa reporter na nagtanong. "Pero siyempre," patuloy niya, "bati na kami ni Friendship [tawag niya kay Kris]! Isyu na naman ba yun? Hindi naman! Pero kasi, noon pa naman kami close ni Mega, pero hindi lang kami nabigyan ng pagkakataon na mailagay sa telebisyon yung friendship namin. Kasi yung sa amin ni Friendship, on national television, nagtatawagan kami ng 'Friendship.'" Sino ang mas generous sa dalawa: si Sharon o si Kris? "Mas generous sa paraan ng pagbibigay? A, depende, e. Si ano kasi, si Mega, marami pa siyang ibibigay sa akin in the future!" tawa ni Ai-Ai sa sarili niyang biro. Patuloy niya, "At saka binigyan niya ako ng singsing at saka earring. Si Tetay, binigyan naman niya ako ng shoes na Gucci. Pero mas mahal yung alahas. So, doon ako sa alahas! Joke lang! Patay na naman ako ngayon! Paano ko na naman ito sasagutin? "Pero Friendship, joke lang yun, SNN!" bawi ni Ai-Ai sabay gaya sa paraan ni Kris ng pagbitiw ng title ng show nila ni Boy Abunda. Nilinaw naman ni Ai-Ai na yung alahas na sinasabing ibinigay ni Sharon sa kanya ay noon pa raw at hindi pa sila gumagawa ng pelikula. "Kasi madalas ko siyang sinasabihan, kapag nakikita ko siya, grabe, ang lalaki ng alahas niya! Tapos, palagi kong nakikita si Mommy Elaine [Cuneta, Sharon's mother]. 'Dyusko, Mommy Elaine, ang gaganda naman ng alahas mo! Bigyan mo naman ako!' Tapos, yung mommy niya ang nagbigay ng ring," kuwento niya. Kuwento naman ni Sharon, silang dalawa ng mommy niya ay fan talaga ni Ai-Ai. Nanonood daw sila ng concert ng comedienne at hinihingan talaga ni Ai-Ai ng alahas si Mommy Elaine sa mismong show. Binibigyan naman daw ito ng ina ng Megastar. "Ang dami nilang alahas!" bulalas ni Ai-Ai. "At nakita ko, si Tita Helen [Gamboa, Sharon's aunt], ang dami niyang alahas! Naku, yung pamilya nila, ang dami nilang alahas!" ANOTHER FRIEND. Ayon kay Ai-Ai, maganda rin ang naidulot sa kanya ng BFF dahil hindi lang siya nakagawa ng another movie kundi nakakita pa siya talaga ng isa pang tunay na kaibigan sa showbiz. "Sabi ko nga, maganda ang movie na ito, kasi nakakita pa ako ng isang friend sa showbiz. Kasi, bihira yung mga friends talaga sa showbiz," sabi niya. Source: Philippine Entertainment Portal |