|
|
| Ai-Ai delas still confined in hospital![]() Author: Trisha Alvarez Naka-confine pa rin hanggang ngayon ang comedienne na si Ai-Ai delas Alas sa FEU Hospital. Kaya hanggang kaninang umaga, March 12, ay hindi pa rin napanood ang comedienne-TV host sa morning show nila ni Ruffa Gutierrez, ang Ruffa and Ai, sa ABS-CBN. Pansamantalang pumalit kay Ai-Ai ang dating beauty queen na si Charlene Gonzalez. Three days na napapanood si Charlene sa Ruffa and Ai. Noong Lunes, March 9, ay isinugod si Ai-Ai sa ospital. Nilalagnat daw kasi siya kasabay ang pagsakit ng tiyan at pagsusuka raw ang inabot niya. Kadarating lang ni Ai-Ai sa Japan nang sapitin niya ang kanyang mga nararamdaman. Sa kabila nito, masaya raw ang pakiramdam niya dahil bumaba na ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) sa kaso ng kanyang anak laban sa isang convenience store employee na nanakit dito. Isang text message ang ipinadala sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ni Ai-Ai mula sa kanyang abugado: "We won on anti-child abuse case in DOJ. We will send Ai-Ai's copy of the decision to AiSarap. For sure the respondent will appeal to DOJ secretary." Ayon naman kay AiAi, "Nakakaloka lang dahil ipinagpipilitan nilang wala silang kasalanan sa kaso. Na-trauma ang anak ko nang bugbugin niya sa stockroom ng tindahan na 'yon. Simple lang naman ang inaasahan ko sa kanya dati, ang aminin ang pagkakasala niya at humingi ng public apology, tapos iuurong ko na ang kaso. "Kaya lang, binabak-up-an 'yan ng may-ari ng tindahan nila. Sige, hindi ko rin sila titigilan hangga't hindi nakakamit ng anak ko ang hustisyang nararapat para sa kanya." Kinumpirma naman ng executive producer ng Ruffa and Ai na si Jasmin Pallera na nakatakdang bumalik sa show si Ai-Ai sa Lunes, March 16. Source: Philippine Entertainment Portal |