|
|
| Ai-Ai type tikman si Robin![]() Author: Nitz Miralles NAGBIBIRUAN sina Ai-Ai de las Alas at Rufa Mae Quinto sa presscon Humirit naman si Ai-Ai na pareho lang sila dahil nang interbyuhin siya ng GMA-7, agad siyang pinag-promote ng movie na showing sa November 28 at hindi na siya tinanong ng ibang bagay. Network war ang naisip nilang rason at sana raw, hindi isali ang pelikula ng OctoArts Films, kung saan nagsanib ang Kapamilya at Kapuso talents. May premiere night ito sa Nov. 26 bago ang regular showing sa Nov. 28. Naloloka pala si Ai-Ai dahil maingay na ang gagawin nilang pelikula ni Robin Padilla sa Viva Films to be directed by Wenn Deramas. "Oo" agad ang sagot nito kung papayag siya sa kissing scene at pati bed scene. "Type ko may kissing scene dahil masarap si Robin. Kaya lang, nagyoyosi ba 'yun, 'di pa naman ako nagyoyosi dahil hinihika ako. " Samantala, iniyakan ni Ai-Ai nang bigyan siya ng standing ovation ng nanood ng kanyang Aiaiay concert. Nawala ang pagiging haggard niya sa kaiisip na baka hindi mapuno ang Araneta dahil two weeks before the concert, 10 percent pa lang ng tiket ang nabibili at bumenta lang nang husto one week before the show. Pinagloloko raw siya ng tao. Hahaha! * * * Naka-post sa Girl Talk Forum under Celebrity Sightings thread ang offensive e-mail with matching photo attachment nila ni Paolo Paraiso. Sa actor inili-link si Rhian at kung anu-anong kuwento ang pinalabas ng poster. It turned out na kuha sa 21st Star Awards for TV na ginanap sa Ateneo Theater ang litrato, kaya naka-formal attire sila ni Paolo. Paliwanag pa ni Rhian, sa red carpet sila kinunan ng litrato ni Paolo at kaya hila-hila niya ito ay dahil iinterbyuhin sila ng Unang Hirit. Hindi rin 'yun ang magiging una nilang pagsasama dahil pareho sila ng handler sa GMA Artists Center. * * * Scheduling lang ng apat ang naging problema dahil pare-pareho silang busy. Ikinuwento rin ni Manny na may kanya-kanyang hairstylist, make-up artist at wardrobe assistants ang apat. Noong una'y walang sariling nag-aasikaso sa make-up, damit at buhok si Marian, until sinabihan ni Direk Joel para hindi mapag-iwanan ng tatlo. Tiniyak din ni Manny na hindi si MariMar ang mapapanood sa movie, kundi si Courtney, character na ginagampanan ni Marian. Hindi lang nakapag-suot ng two-piece swimsuit ang actress dahil nang dumating sa shooting, maraming pasa dahil sa taping ng MariMar, kaya short-shorts na lang ang isinuot. Kuhang-kuha nito ang mala-Tessa Prieto-Valdes role. Daring naman daw si Iza dahil may kissing at bed scenes kina TJ Trinidad at Ryan Eigenmann. Siya si Stephanie, ang conservative lawyer and sex-starved wife. Si Rufa Mae ay si Patricia, isang sexologist, at si Ruffa ay si Isabella, isang single mom. * * * Nasa picture siya sa poster ng movie as one of the major characters, pero ang apat na artista, above the title ang pangalan maliban sa actor. Tinalo pa siya ni Jon Avila, na introducing, pero maganda ang billing. Ilang beses kinausap ni Noel si Direk Adolf Alix Jr. , ang kumuha kay Coco, para kausapin ang producer na si Carlo Maceda para ayusin ang layout. Hindi rin properly billed ang director at hindi rin nito gusto ang poster, pero sabi raw ni Carlo, hindi na sila makakapagpagawa ng bagong poster layout. Ang punto ni Noel, kumita na ang Nars sa pag-iikot sa different nursing schools, sana kahit sa mga bagong taas na streamer sa Manila at Quezon City, naayos na ang billing ni Coco. Siguro naman, sa tatlong bagong pelikula ni Coco, hindi na siya maaapi sa billing. Pang-international din ang release ng Daybreak, Condo, at Maynila, pero mauunang ipalabas ang Batanes ng Ignite Media at GMA Films sa December 5. * * * Namatay siya noong Nov. 15, kaya ipagdasal natin ang katahimikan ng kaluluwa niya. Isang active movie reporter-columnist si Ed noong naririto pa at kilala siya sa pagkanta ng sintunado ng favorite niyang Paper Roses. Isa rin siyang Noranian at laging handang ipagtanggol si Nora Aunor sa mga pumipintas at naninira sa superstar. Source: People's Tonight |