Apr 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ai-ai delas Alas admits her new tattoo is for her Greek 'friend'

Ai-ai delas Alas admits her new tattoo is for her Greek 'friend'

Author: Julie Bonifacio

In full blast na agad ang career ng Comedy Concert Queen na si Ai-ai delas Alas pagpasok pa lang ng 2010. Nagsimula nang umikot nationwide si Ai-ai kasama ang kapwa niya judge sa Pilipinas Got Talent na sina Kris Aquino at FrEddie Garcia na magsisimula na sa February 20 sa ABS-CBN. May Valentine concert din on February 14 si Ai-ai entitled Ai Am Your Valentine sa Tent City ng Manila Hotel kasama sina Janno Gibbs, Rufa Mae Quinto, Mark Bautista and surprise guests at si Ms. Pilita Corrales. Inaabangan na rin ang nalalapit na pagsasama nila ni Aga Muhlach on television for a drama-comedy show for ABS-CBN. Ngayon pa lang ay excited na si Ai-ai sa pagsasama nila ni Aga na aminado naman ang komedyante na isa sa mga pinagnanasaan niya sa showbiz. " Oo," ngiti niya. " Noon ko pa sinasabi na crush ko 'yun," excited na sabi ni Ai-ai.

Haping-happy si Ai-ai dahil bukod sa magandang career niya, masaya rin siya sa kanyang personal life. Three months na mahigit nu'ng unang nagpalagay ng tattoo sa kanyang braso si Ai-ai. "It means agape, the highest form of love. Wala lang, gusto ko lang," sey ni Ai-ai sa kanyang tattoo. Greek word and symbol ang tattoo niya sa braso at dini-dedicate raw niya ito sa bago niyang 'friend.' Taga-Greece ang bagong 'friend' ni Ai-ai. " Tama," ngiti ni Ai-ai. Masasabi ba niya na natagpuan na niya ang kanyang Greek god? " Hindi pa naman. Ay, hahaha! Greek god? Wala! Walang Greek god," tili ni Ai-ai. Nakita na rin daw ng friend niya ang kanyang tattoo. Ano ang sabi sa tattoo niya? "Sexy," kinikilig na sabi ni Ai-ai. " Para sa kanya talaga dati kung bakit ako nagpa-tattoo. Pero ngayon, nagpa-tattoo ako talaga para sa sairli ko." May bago siyang tattoo? " Oo, dito, " sabay turo niya sa kanyang likod. " Dragon siya.

Bago mag-Pasko ay pumunta ng Europe si Ai-ai para makita ng personal ang 'friend' niya na una niyang nakilala sa internet. " Ang layo, Europa! Nakakaloka!. Etihad (Airways) day! Dapat sa Etihad. Kund hindi sa Etihad patay na ako ngayon sa stress." Binabalik-balikan ba niya ang kanyang European friend? " Isang beses lang, e. Ay, hindi bumalik pala ako. Inilihim. Hahaha!" Bakit niya inilihim? " Eh, syempre luma-lovelife ang lola kaya inililihim," sabay tawa ulit ni Ai-ai.

Nu'ng unang punta ni Ai-ai to meet her Greek friend for the first time ay may matinding dahilan. On her second trip, naayos na ba ang kung anumang dapat nilang ayusin? " Hindi naman nagkaayos kaya lang gusto ko ulit pumunta this time kasi gusto ko'ng ma-experience ang winter. Winter doon, e. Ang lamig. Sandali lang ako. Three days lang ako." Hindi magastos ang pakikipag-kaibigan niya ngayon ano? " Oo, hahaha! Pero kasi ang talagang bakasyon ko two weeks. Nalungkot ako biglang pumasok ang Pilipinas Got Talent. Siyempre unahin muna natin ang career ' di ba? E, hindi ako mapakali. Gusto ko'ng pumunta. 'Yun kasi ang time nang punta ko doon. Kumbaga, December pa, hindi pwede, may work."

Guwapo po ang bago niyang friend? " Siyempre! Pumapatol ba ako sa pangit?" Mas guwapo kaysa doon sa Braziliam model na huling na-link sa kanya? " Oo, ano Tom Cruise day! Player ng handball." Pero safe to say na happy siya ngayon sa bago niyang friend? "' Yun na 'yun,. 'yun na lang happy ako."

Bakit siya ang kailangang pumunta ng Europe at hindi ang friend niya para dalawin siya dito? " E, syempre may mga bagay na hini natin maiiwasan. 'Tsaka ano, alam mo kung bakit hindi siya makapunta? Kasi ang papel niya is working visa. E, ang working visa sa kanila ang tagal bago lumabas. 'Pag hindi lumabas 'yun hindi na siya makakabalik sa Greece. So, kaya hindi siya makalabas ng bansa. Hindi siya talaga taga-Greece pero doon siya nakatira. Huwag na nating sabihin ang nationality basta sa Greece siya nakatira. Basta isa siyang Griego. Ngayon naglalaro na siya sa isang private team. Pero ano lang sila, sa Europe naman kasi parang dalawa bente singko 'yung ano, handball 'yun, e. Parang basketball 'yun dito, e, parang UAAP or PBL. Mga 5'8" siya."

Boto ba ang mga anak niya sa pakikipag-kaibigan niya ulit ngayon? "Okay lang. Ang mga anak ko naman kung saan ako masaya. Huwag lang ako'ng nalulungkot." Sa internet na lang daw ulit sila nagkaka-tsikahan ng bagong friend ni Ai-ai. " Alam niya na busy ako. Sabi niya, 'I'm sad but it's work.'" Ano tawagan nila sa isa't isa? "Baby... tsika!"

Sa tingin niya ito na talaga ang katuparan ng kanyang kaligayahan? " Siyempre wala namang sureness sa buhay, exciting lang. Ganu'n lang sa larangan ng pag-ibig," pagtatapos ni Ai-ai.

Source: ABS-CBN Interactive