|
|
| Ai-ai delas admits that she does crazy things all for the sake of love![]() Author: Julie Bonifacio Tuloy-tuloy ang shooting ng Comedy Queen na si Ai-ai delas Alas para sa latest movie at una nilang pagtatamabal ni ex-President Joseph Estrada sa Star Cinema na "Ang Tanging Pamilya." May playdate na kasi sila na hinahabol on November 11 na mismong kaarawan ni AiAi. "Supposed to be October 11 ' yun, e. Pero ang dami nang nangyaring trahedya so nilipat nila sa November 11," bungad ni AiAi nu'ng makausap namin siya sa kanyang "Aisarap" restaurant sa tabi ng 'Pinoy Big Brother' house. Dahil sa nataon na birthday ni Ai-ai ang showing ng movie, wish niya na sana kumita ang ikalawa niyang pelikula para sa taong 2009. " Marami na rin kasing sakripisyo ang pelikula. So, deserve namang kumita siya kasi kumbaga, marami ang nagbuwis ng buhay, maraming gamit ang nawala. So, gusto ko makabawi," tukoy nito tungkol sa lumubog na barkong sinasakyan ng ilan sa mga crew members ng Ang Tanging Pamilya kung saan isa sa mga ito ay namatay. Habang kausap namin ang Comedy Queen ay iniinda pa rin niya ng konti ang kirot dulot ng kanyang pagpapa-tattoo. May magtatanong tiyak sa komedyana kung bakit kung kailan siya nagka-edad ay saka niya naisipang magpa-tattoo. " Ano ba? May pinipili ba'ng edad ang paglalagay ng tattoo?" Bakit siya nagpatattoo? " Wala lang! Matagal ko ng gustong magpalagay. Estudyante pa ako. E, ngayon natuloy. Statement ko 'to as an artist," pahayag ni Ai-ai. Itinanggi rin ng komedyante na may koneksyon ang kanyang pagpapatattoo sa kanyang personal life. " Hindi naman," mabilis na sagot nito. " Masyado lang ako'ng pagod siguro sa ginagawa ko. Pero hindi ako nagrereklamo. Kaya nga nagpunta ako sa Cebu nu'ng weekend, e." Kwento pa ni Ai-ai, " Nagpunta ako dun for rejuvenating. Sa Cebu ako nagpunta kasi wala masyadong nakakakilala sa akin doon. Nag-stay lang ako sa loob ng kwarto ko sa hotel na mag-isa, ganun. Gusto ko'ng mag-isip-isip lang habang tinitingnan ko ang sunrise. Na first time ko'ng nakita ang sunrise na ang ganda-ganda pala. Walang biro. Na-appreciate ko talaga ang sunrise habang nasa Cebu ako at pinapanood ko siya sa loob ng aking kwarto. Hindi ko na matandaan kung kailan ko huling nakita ang sunrise kasi hindi ko naman pinapansin 'yun." Hindi raw niya akalain na ang simpleng panonood ng pagsikat ng araw ay magdudulot ng kakaibang pakiramdam sa kanya. " Doon ko naisip na masyado ako'ng blessed kasi sobrang busy ko. Hindi ko napapansin ang sunrise kaya nanalangin ako at humihingi ako ng sorry kay God. Na ang dami ko'ng pinu-problema sa buhay na ako lang ang gumagawa." Naisip din niyang wala siyang karapatang magreklamo sa kung ano pa man dahil the fact na buhay siya ay blessing na in itself. " Ang dami ko'ng na-realize and thankful ako na walang nangyari sa amin ng mga anak ko nu'ng bagyong Ondoy. Thankful ako na ako 'yung naakapagbigay at hindi ako 'yung naputikan 'yung bahay. Kaya panay ang hingi ko ng sorry kay Lord. Sabi ko, 'Pasensya na at nawiwindang ako sa buhay ko.'" Ipinaliwanag ni Ai-ai na minsan, madami masyadong kapritso ang mga tao to the point na nate-take for granted nila yung mga bagay na dapat ay mas pinagtutuunan ng pansin. " Meron akong hinahanap na hindi ko alam. Pero na-realize ko wala naman pala akong dapat hanapin kasi meron naman ako lahat. Kumbaga, mas marami ako nung meron, pero heto ako naghahanap. (Ang mahalaga) buhay kami ng mga anak ko, magkakasama kami, hindi kami biktima ng bagyo, at may career ako." Hindi man idinetalye ni Ai-ai kung ano man ang pinagdadaanan niya ngayon, ibinahagi niya na isa sa mga frustrations niya ay may kaugnayan sa usaping pag-ibig. " Kaya lang aminado ako pagdating sa pa-ibig windang ako doon. Pinipilit ko ang sarili ko na maging ideal ang love life ko kasi yun na lang ang kapalit nung mga binibigay ni Lord sa akin. Kailangan mag-behave ako. Pero hindi ako yun. Deep inside me, alam ko hindi ako 'yun. Gusto ko'ng magpakatotoo sa sarili ko. Hindi ako plastic na tao ever since at alam ko pagdating sa pag-ibig luka-luka ako," tapos ni Ai-ai. Source: ABS-CBN Interactive |