|
|
| Aiko Melendez is imprisoned in Oct 25 episode of MMK![]() Author: Philippine Entertainment Portal Pagkatapos mapanood sa Your Song: Somebody Like You, makikita muli si Aiko Melendez sa telebisyon upang gumanap sa drama anthology show ng ABS-CBN. Sa Sabado, October 25, gagampanan ni Aiko ang role ng isang inang hinanap ang kanyang sarili sa kabila ng mga ibinigay na pagsubok sa kanya ng tadhana. Makukulong ang karakter ni Aiko sa isang Correctional Institute for Women. Ang episode ng Maalaala Mo Kaya na ito ay idinirehe ni Nuel Naval. Abangan ang episode ni Aiko Melendez ngayong Sabado, October 25, sa ABS-CBN. Maalaala Mo Kaya (October 25, 2008) Director : Nuel Naval Writer : Mark Angos Casting : Aiko Melendez, Cris Villanueva, Hazel Ann Mendoza, Nikki Bagaporo, Basty Alcanses Hosted by Ms. Charo Santos-Concio, ang Maalaala Mo Kaya ay mapapanood tuwing Sabado sa ganap na 8 p.m. Source: Philippine Entertainment Portal |