Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Aiko Melendez talks about showbiz, politics, and love

"Masarap maging public servant kasi yung fulfillment, iba sa pagiging artista. Di ba, pag artista ka, pag nagkaroon ka ng Best Actress, 'Wow, ang sarap!' di ba? Pero para sa akin, sa politics kapag may mga nagpapasalamat sa akin na mga taong hindi ko kila

Author: Rommel Placente


Guest kahapon, December 18, sa talk show na Juicy ng TV5, hosted by Alex Gonzaga and IC Mendoza, ang aktres at konsehala ng Quezon City na si Aiko Melendez

Tinanong ni Alex si Aiko kung ano ang nag-trigger sa kanya at sa murang edad na siyam ay naisipan na nitong pasukin ang pag-aartista.

"Actually, I always wanted to be an actress. As we all know, yung dad ko [the late Jimmy Melendez] artista dati. So, sumasama-sama ako sa mga shooting niya. At that time, may naghahanap para gumanap na young Snooky Serna. Sabi niya, 'Gusto namin 'yang batang 'yan.' And then, nagprisinta ako. Sabi ko 'Gusto kong i-try 'yan, i-try ninyo ako,'" pagbabalik-tanaw ni Aiko.

Nang maging teenager na si Aiko ay kinuha siya Regal Films at ni-launch bilang isa sa bagong Regal babies, kasabayan sina Carmina Villarroel at Ruffa Gutierrez.

Tinanong ni Alex si Aiko kung naging close ba si Aiko kina Carmina at Ruffa at kung hanggang ngayon ay nagkikita-kita pa sila.

"Ah, yeah," sagot ni Aiko. "In fact, magkukumare kami. Inaanak ko yung anak ni Carmina. Inaanak ko rin yung anak ni Ruffa. Si Ruffa rin, vice-versa, and Carmina.

"So we've maintained a friendship na kasi na-realize namin nung mga bata pa kami, ang fame, ang limelight is just for the meantime, e. Ang friendship will always be there for the rest of your life. So that's one thing na gusto namin i-keep talaga."

AIKO'S AFFAIRS. Nang magdalaga si Aiko ay naging boyfriend niya ang aktor na si Aga Muhlach. Pero alam nating nauwi rin sa wala ang relasyon ng dalawa. Si Aga ay happily married na to Charlene Gonzalez, kung saan ay may kambal silang anak.

After her failed relationship with Aga, ang sumunod na nakarelasyon ni Aiko ay si Jomari Yllana. Nagpakasal siya rito at nabiyayaan sila ng isang anak, si Andrei. Pero nauwi rin sa wala ang relasyon ng dalawa. Annulled na ngayon ang kanilang kasal.

Tanong ni IC kay Aiko, kung mahirap daw ba ang makipagrelasyon sa kapwa niya artista.

"Mahirap kasi wala kang privacy. And then, lahat ng ginagawa ninyo parang sinusundan ng mga tao. Tapos kung napansin ninyo sa industry natin pag may dalawang taong masaya, pipilitin nilang paghiwalayin yun. Kasi pag pinaghiwalay nila yun, news yun, e. So may pag-uusapan, di ba? Pero pag naghiwalay naman sila, pagbabalikin naman sila. So, nakakahilo minsan. So, yun lang ang medyo mahirap yung downside kapag artista yung karelasyon mo."

Sinundan ng tanong ni Alex si Aiko kung nagkaroon daw ba ng conflict of interest o wala naman?

"Wala naman, "sagot ni Aiko "Kasi nung kami naman ni Jom, nag-iba naman yung line namin ng work, e. Nag-lie ako nung time na pa-peak na si Jom. Give and take kami. Kasi minsan talaga nagiging competition."

Ilang taon pagkatapos makipaghiwalay ni Aiko kay Jomari ay muling nagpakasal ang actress-politician, this time sa model na si Martin Jickain. Nagkaroon sila ng anak, si Marthena, ngunit nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

AIKO'S POLITICAL CAREER. Bukod sa pag-aartista ay isa na nga ring public servant si Aiko. Tanong ni IC kung sa tingin ba ni Aiko ay mas maganda o madaling makipagrelasyon sa isa ring public servant kesa artista.

"Hindi rin, e," sagot niya. "Kasi, di ba, they say when you're in showbiz, it's the second dirtiest? Politics is the first. So, mahirap, e, kasi politics din, you're in a public eye also. You're like in aquarium also."

Open naman si Aiko sa relasyon ngayon sa Vice Mayor ng Bulacan, Bulacan na si Patrick Meneses.

Mahirap bang maging isang public servant?

"Masarap maging public servant kasi yung fulfillment, iba sa pagiging artista. Di ba, pag artista ka, pag nagkaroon ka ng Best Actress, 'Wow, ang sarap!' di ba? Pero para sa akin, sa politics kapag may mga nagpapasalamat sa akin na mga taong hindi ko kilala na natulungan ko, iba ang feeling. Parang mas masarap. Iba yung fulfillment. Mas fulfilled ka as a person when you're a politician or a public servant."

Sundot na tanong ni IC kay Aiko ay kung ano ang dahilan at naisipan niya ring pasukin ang pulitika.

"It was a calling talaga for me," aniya. "At that time, my life then was really...parang kakahiwalay ko lang din kay Jom. And sabi ko, sa showbiz, modesty aside, nakuha ko na what I wanted, e. Nakakuha na ako ng award. Nakatrabaho ko na kung sino ang gusto kong makatrabaho. Parang gusto ko naman ng something na kakaiba bago naman ako medyo, di ba, mag-retire or anything.

"So sabi ko, being in public service is the answer. Kasi nung time na nahiwalay ako kay Jom noon, kinukuwestiyon ko si God. Sabi ko sa kanya, 'Why am I going through this?' And then, nung bumaba ako sa mga barangay ko, here in Quezon City, nakita ko yung mga tao ang problema nila, they have nothing to eat.

"So I asked myself now, 'Who are you to ask God na why am I going trough this? Samantalang mas maraming may malaking problema.' So na-realize ko yung value ng buhay ko na mas masuwerte pa pala ako. So, sabi ko, gusto kong gumawa ng isang bagay na makakatulong talaga sa mga tao," pahayag ni Aiko.

Ano ba sa tingin niya ang pinakamagandang nagawa niya para sa kanyang constituents?

"Siguro yung pagpapagawa ng mga daycare centers para sa mga bata. Kasi my heart goes with the kids, because I am a mother also. So I know how it feels to give yung hope to the mothers of the children who want to have education. And I think yung pagpasok sa daycare center, start yun bago sila pumasok talaga sa isang regular school. So namu-mold ko muna sila," pagtatapos ni Aiko.

Source: Philippine Entertainment Portal