|
|
| Aiko, type makasama si AgaAuthor: Vinia Vivar MATAPOS ang apat na taong pamamahinga sa pag-arte, nagbabalik sa telebisyon si Aiko Melendez sa pamamagitan ng bagong episode ng Your Song Presents na i-ere ngayong buwan ng Setyembre. Nakapag-taping na si Aiko para sa nasabing mini-series, kung saan gagampanan niya ang papel ng isang teacher na na-in-love sa isang mas bata sa kanya (John Prats). Aminado si Aiko na nanibago siya sa muling pagharap sa camera, pati na sa mga artistang kasama, dahil ang babata pa raw ng mga ito at parang iba na talaga ang panahon ngayon. "Siguro nanibago ako sa working habits nila na talagang... when I asked nga John, sabi ko, ganito na ba talaga, naglalagare sila from one set to another set? "So, medyo in that aspect, nanibago ako. But in terms of mga acting nila, I can say naman na kahit paano, pasado naman sila," pahayag ng aktres na konsehala rin ng Quezon City. Bukod sa Your Song Presents, may gagawin ding isang episode ng Maalaala Mo Kaya si Aiko at kasalukuyan nang inihahanda ang script na secret pa raw kung sino ang makakasama niya. Ayon sa aktres, matagal na niyang gustong mag-comeback dahil love niya talaga ang showbiz at passion niya ang pag-arte. "Kaya lang, 'yung weight ko nga, hindi ko mapagtuunan ng pansin. So, after ng mga nangyaring controversy, everything followed, eh. "Parang good karma lahat. Pumayat ako, nagkaroon ng magandang project, so, sabi ko, ganu'n pala, after a storm, eh, comes sunshine. " Nagkaroon nga agad ng issue na dapat si Jomari Yllana ang makakasama niya sa Your Song, pero tinanggihan niya ito at kaagad namang binigyan ng linaw ng aktres. "To be honest with you, I was supposed to do Maalaala Mo Kaya with Jomari. Kaya lang, as we all know naman, a few months ago, Jomari did MMK with Ara Mina. "So, hindi naman maganda na after a few months, si Jom na naman, kasi ang mangyayari, Maalaala Mo Kaya Presents Jomari, 'di ba? "So, kailangan naming i-rest 'yung idea na Jomari-Aiko, kaya inuna ko na muna itong Your Song," paglilinaw ni Aiko. Gustung-gusto raw niyang makasama ulit sa isang proyekto ang dating asawa dahil wala naman silang problema. Maging si Aga Muhlach, gusto niya ring makasama ulit and even Christopher de Leon na dati rin niyang nakatrabaho. Natanong kay Aiko kung gusto niyang makatrabaho ang nakaalitang si Ara Mina. "Alam mo, in all honesty, kung may magandang script, why not? There will always be a good script for both of us. Pero, kaplastikan na sasabihin kong makikipagtrabaho ako sa isang tao na hindi pa kami ayos. "Siguro, bago namin tanggapin, I'm sure, same also with Ara, bago namin gawin ang project, sana makapag-usap kami. Kasi kung bread trip lang, tatanggapin at tatanggapin ko 'yan because I'm pretty sure, it's gonna be a good offer, pero ayoko namang ibenta'yung private life namin pareho ni Ara para lang kumita kami. Gusto ko, kapag nakatrabaho ko siya, wala na ang galit sa isa't isa. " Paano sila mag-uusap ni Ara? "Siguro naman sa liit ng showbiz, marami kaming common friends, 'di ba? So, kung talagang para sa isa't isa na mag-usap kami at mag-ayos, I'm pretty sure God will find a way and pave a way. " Ayon pa kay Aiko, hindi na mahalaga kung sino ang gagawa ng unang move. "Ako, honestly, it doesn't make me less of a person if I do the first move. Kaya lang, gusto ko lang, 'yung tamang rason at tamang timing. " Walang-wala na raw siyang galit na nararamdaman kay Ara dahil nakapag-move-on na siya and at this point, ayaw na niya ng may kaaway. Gusto rin daw niya na sa panibagong pagsisimula ay positive lahat at ayaw na niya ng negative vibes. Source: People's Tonight |