|
|
| Aiza, ayaw mag-guest sa 'Wowowee'Author: Nitz Miralles Bukod sa regalo ni Dingdong Dantes, magandang birthday gift kay Marian Rivera ang 44. 1 percent rating ng Darna sa premiere episode nito last Monday. Siguradong mapapasigaw ng Darna ang aktres sa labis na katuwaan dahil nagbunga ang paghihirap niya at ng buong cast at production staff sa resulta ng ratings mula sa AGB Nielsen. Ngayong araw ang birthday ni Marian at may taping siya dahil suwerte siya 'pag may work sa kanyang birthday. Wala man siyang handa, tiyak na maghahandaan ang production staff bilang pasasalamat na rin. Baka nga pati si Dingdong Dantes ay magpa-party para sa kanya. * * * Panalo ang Aiza Live! album ni Aiza Seguerra under Star Records sa ganda ng mga kantang kinabibilangan ng carrier single na Anything For You, Runaway, Ipagpatawad Mo na original ni Vic Sotto, Man In The Mirror, Crazy Little Thing Called Love, Bette Davis Eyes, ang sariling composition na Tanging Ikaw na dedicated sa "love" niyang si Chen at marami pang iba. Hit ang album hindi pa man nalo-launch dahil ginawang giveaway (170 copies) sa ACER event sa Baguio. Klik din ang mall shows ni Aiza lalo na 'pag kinanta ang Ipagpatawad Mo at sinasabayan pa siya ng audience. Kasama ni Aiza sa recording ng album ang Pogi Band sa pangunguna ni Mike Villegas na nag-areglo rin ng ibang songs. Ipinakilalang "The Pride of Star Records" at "Asian Acoustic Sensation" ni Annabelle Regalado-Borja na executive producer ng album with Malou Santos. Nagko-concentrate sa singing si Aiza at feeling niya, mas singer siya kesa actress. Maggi-guest sa mga show ng ABS-CBN si Aiza to promote her album maliban sa Wowowee bilang respeto sa Eat...Bulaga na kanyang pinanggalingan. "Kahit anong show sa kahit anong network, 'wag lang sa katapat ng Eat...Bulaga, choice ko 'yun and it's loyalty. Alam ni Willie (Revillame) ang rason ko at naiintindihan niya," say ni Aiza. Gumawa rin pala ng song for Kris si Aiza na kinanta niya sa burol ni former President Cory Aquino entitled Lullabye na tungkol sa pagiging ina ni Kris. Kung pahihintulutan, gusto niyang isama ang nasabing kanta sa kanyang next album. * * * Puno ng pag-ibig ang episode ng Rosalinda this Wednesday dahil ikakasal sina Rosalinda (Carla Abellana) at Geoff Eigenmann). Marami man ang humadlang, hindi nagpapigil ang dalawa na magpakasal at kahit nagkaroon ng masamang panaginip sa kasalan, masaya pa rin ang dalawang magkakasama na sila for life. Nangako sina Rosalinda at Fernando Jose na hindi sila maghihiwalay at pinatunayan ito ng lalake nang pillin ang asawa sa inang si Valeria (Sheryl Cruz) na muntik barilin si Rosalinda. Pangatawanan kaya ni Fernando Jose ang pangakong 'di iiwan ang asawa 'pag nalamang anak ito ni Soledad na pinagbibintangang pumatay sa kanyang ama? Gustong pasalamatan ng staff si Edward dela Cuesta na kumuha ng wedding pictures nina Carla at Geoff na akala mo'y totoong ikinasal. * * * Kasama ni Jinkee Pacquiao ang asawang si Manny Pacquiao sa print ad niya sa Belo Medical Group, kung saan, ini-endorse niya ang Smart Lipo para maalis ang pot-natal fat na dala nang pagsilang niya sa fourth child nila ni Manny. Dumaan din si Jinkee sa Belo Diet Injection sa behind niya for 24 days na tumulong sa kanya to suppress hunger, activated her adipose fat tissue and mobilized stubborn fat. Dahil sa dalawang proseso, 17 pounds agad ang nawala kay Jinkee in three weeks, kaya pati si Manny, inaming starstruck 'pag nakikita ang maganda't sexy niyang asawa. Tanggap ni Jinkee ang gusto ni Manny na hanggang sa pagiging endorser lang siya at bawal siyang mag-artista para wala silang problema. Gusto rin ni Manny na sila at ng apat nilang anak ang priority ni Jinkee. * * * Sa rom-com series na Adik Sa 'Yo, hihingi ng tawad si Karen (Jennica Garcia) kay Ruben (Dennis Trillo), pero magmamatigas si Ruven (Dennis Trillo). Magta-trabaho si Karen bilang kasambahay sa bahay nina Ruben sa tulong ni Aling Caring (Luz Valdez). Nalaman ni Joana (Jolina Magdangal) na naghihirap na ang amang si Luigi (Joey Marquez) at pupunta siya sa mansion, pero ipagtatabuyan siya ni Stella (Beth Oropesa). * * * Sa All My Life, sinugod ni Romano (Zoren Legaspi) ang pamilya ni Jules (Aljur Abrenica) at pilit pinalalabas si Romina (Kris Bernal). Tinutukan nito ng baril si Gary (Jay Manalo), kaya nagbatanng magdemanda si Marita (Lani Mercado). Kidnapping ang sagot ni Romano laban kay Jules dahil sumama sa kanya si Romina. Lalaki ang gulo dahil gagatungan ni Perry (Paulo Avelino) ang galit ni Romano. Susumbatan naman ni Romina si Jules sa nalamang hindi siya ang kapatid ni Luke, kundi si Jules. Source: People's Tonight |