Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Aiza, pare na ni Vic

Author: Rowena Agilada
Column: Timing

NOON pa pala nahalata ni Vic Sotto na t-bird (as in tomboy) si Aiza Seguerra. Nasa "Eat Bulaga" pa lang ito'y napansin na nilang iba ang sexual preference ni Aiza. Kapag tinatanong daw nila ito kung sino ang crush, puro babae ang sinasabi ni Aiza kaya nagduda na sila sa gender nito.

"Pare na siya ngayon. Dabarkads na kami," ani Vic. Kasama pa rin si Aiza sa "Enteng Kabisote 4 (The Beginning of a Legend)" kung saan anak siya ni Vic. Iniklian na lang ang role ni Aiza dahil nagkaroon ng conflict sa kanyang schedule. Pinalabas na nag-Japan siya at nag-japayuki na.

Bukod kasi sa taping ng "Ysabella," may stage play pa si Aiza at nagkaroon siya ng series of shows sa States at Canada. Sa "EK4," ipakikita 'yung mga eksena when Aiza was about 3-and-a-half years old. Runner-up siya noon sa "Little Miss Philippines" ng "Eat Bulaga" kung saan na-ging mainstay siya at pinauso ang Aiza walk. 'Yung lakad-bibe, remember?

Misunderstood

Ngayon na-realize ni Aljur Abrenica kung gaano kahirap kumita ng pera. Kaya natuto na siyang magtipid at mag-ipon ng mga kinikita niya. May karaoke business sa Batangas ang kanyang daddy at gusto niyang palaguin pa 'yon.

Aware si Aljur sa impression sa kanya ng ibang tao na maangas at mayabang daw. Pero aniya, misunderstood lang siya. Kapampangan daw kasi siya at matigas ang dila kapag nagsasalita, kaya raw siguro mayabang ang dating niya sa mga taong hindi siya lubusang kilala.

In a recent talk with him, likeable naman si Aljur, hindi maangas. Aniya, nag-e-enjoy siya sa showbiz at thankful sa GMA-7 na dalawang regular shows ang ibinigay sa kanya, "Boys Nxt. Door" at "Zaido." Ibinalik ang love team nila ni Kris Bernal sa mga nabanggit na programa at inamin ni Aljur na minahal niya ito dati.

Asked kung posibleng mahalin niya uli ang petite young lady, may-I-smile lang si Aljur. Sa "Zaido," love triangle sila nina Kris at Marky Cielo.

Abangan din ang ikaapat na Zaido na tatawaging Gold Zaido. Secret pa kung sino ang gaganap.

Bad girl

So far wala pa namang bad encounter si Katrina Halili sa bad girl role niya sa "MariMar." Pasama nang pasama ang character niya bilang Angelika pero thankful si Katrina na wala pa namang nanghahambalos sa kanya ng payong gaya ng nangyari noon kay Princes Punzalan nang nakita ito sa isang mall. Bad girl din kasi si Princess sa isang ginawang teleserye.

Wala pa namang nambabastos kay Katrina o pinagsasalitaan nang masama. But somehow, natatakot na rin siya sa pagganap niya sa kontrabida role dahil nata-typecast na siya. Given a choice, after "MariMar," gusto naman ni Katrina mag-comedy, for a change.

Sa episode tonight ng "MariMar," kaabang-abang ang confrontation nina MariMar at Angelika. Palalabasin niya si Bella ng hotel. Subalit sila ni Monica ang palalayasin ni MariMar.

Ayaw maniwala ni Angelika na si Bella ay si MariMar. Excited naman si Sergio makilala ang big time client niya who turns out to be Bella.

Source: Tempo