|
|
| Akting ni Bea, pinagsamang Vilma at Lorna![]() Author: Chan-Chan Torres PINATUNAYAN ni Bea Alonzo na kaya na niyang magdala ng isang pelikula kahit hindi ang ka-loveteam niyang si John Lloyd Cruz ang kapareha niya on screen. Isang malaking patunay ang hit na And I Love You So na hanggang ngayon ay palabas pa rin sa mga sinehan nationwide. Tulad ni John Lloyd, bi-nigyan din ng Dos si Bea ng chance to shine on her own na gumawa ng isang proyektong wala ang ka-loveteam na nakasanayang panoorin ng mga tao, and she has proved her worth. Para nga silang sina Vilma at Boyet ng kasaluku-yang panahon, na successful as a tandem at bongga rin kung ipareha sa iba. Kapansin-pansin din ang kanilang samahan. Very Ate Vi and Boyet, na platonic ever. Hindi nagkaroon ng re-lasyon sina Bea at Lloydie, pero may malalim na respeto at concern sila for each other. Maging ang mga kapwa artista ni Bea ay puring-puri siya at ang pelikula niya. That goes to show how effective she is as an actress. Pati si John Lloyd ay pinanood ang And I Love You So, at hats off daw ang aktor sa ka-loveteam. Para panoorin ang pelikula mo ng kapwa artista mo, at pag-aksayahan nila ng ilang oras ito, that means, it's worth their time. Kunsabagay, noon pa man, nakitaan na namin ng lalim si Bea sa teleseryeng Kay Tagal Kang Hinintay kung saan nagsimula ang aktres. Alam naming she'd go a long way. True enough, isa na siya sa promising actresses of today. Nabalitaan din naming muli silang gagawa ni Lloydie ng proyekto. Malamang, after this or after Lloydie's project with another actress kung ma-tutuloy pa 'yon. Sabi ni Boy Abunda sa SNN (Showbiz News Nga-yon) si Bea ay kumbinas-yon ng isang Lorna Tolentino at Vilma Santos. Komento rin ng ilang televiewers, si Lloydie, ay kumbinasyon naman nina Boyet de Leon at Dindo Fernando. Bongga talaga! Well, who says na na-wawalan ng ningning ang entertainment world, eh, marami tayong magagaling na aktor, 'di ba? * * * HINDI na muna mapapanood si Richard Gutierrez sa telebisyon. Pero 'wag mag-panic ang avid fans ni Chard, 'noh, dahil pansamantala lang ito. Matapos ang pamama-yagpag sa ere ng Zorro, aba-la si Richard sa bago niyang baby, as in, baby project na talaga namang pinagkakaabalahan niya't pinag-uukulan ng panahon. Ito ang pelikulang Patient X mula sa GMA Films sa direksyon ni Yam Laranas. Dito ngayon nakatutok ang oras at atensyon ni Richard, dahil siya ang isa sa producers nito. Napanood namin ang panayam sa aktor at sinabi na gusto niyang magtrabaho hindi lang sa harap ng ca-mera kundi gusto rin niyang malaman how is it to work behind the scenes, as well. For a change, doktor ang karakter ni Richard sa pelikulang ito, panibagong challenge na naman daw for him. Aniya, personal siyang nag-interview ng mga doktor para malaman mismo niya kung ano ang mga naga-ganap sa emergency room ng ospital. Mismong si Richard at mga kasamahan niya sa pelikula ang nag-research about their characters. Dahil si Direk Yam ang namamahala sa pelikula, expected na naming suspense ang dating nito. Maging ang nasabing direktor ay puring-puri si Chard. Aniya, professional daw si Chard at marunong sa budget sa pelikula at iba pang concerns tulad ng ka-rakter na ginagampanan niya. Makakasama ni Richard sa movie na ito si Heart Evangelista na naka-partner niya sa isang teleserye noong kakalipat lang ni Heart sa GMA-7. This is their first time together in a movie. Well, sa tingin namin, sa kabila ng mga kontrobersiya at intriga na ibinabato kay Richard, nananatili si-yang isa sa mga aktor na gustong panoorin ng publiko. Source: Taliba |