|
|
| Aktor, idedemanda ng taong nakasamaan ng loobAuthor: Vinia Vivar Kapag nagkataon, madaragdagan ang kinakaharap na kaso ng aktor dahil binabalak na naman siyang sampahan ng demanda ng isang taong nakasamaan niya ng loob. Diumano, may kinalaman sa trabaho ang isasampang kaso dahil may mga hindi ito nasipot na commitment gayung tumanggap daw ang aktor ng downpayment. Ibinitin daw ng aktor ang mga obligasyon nang wala man lang abiso at basta hindi na lang daw sumipot. Ayon pa sa balita, milyon daw ang halaga ng mga commitment sa ibaât ibang lugar na hindi nasipot ng aktor. Criminal case ang isasampa sa aktor kung hindi magbabago ang isip ng taong magdedemanda sa kanya. * * * Habang naghihintay ng next project si Judy Ann Santos, magko-concentrate muna siya sa fund-raising na binabalak para panggastos sa Ploning sa Oscars. âInaaayos nga namin ito ngayon, na sana, makapag-produce kami ng kahit konting funds for the Oscars. âMay mga ini-invite kami na sana, pumayag sa pagpunta nila. Inaayos namin na sana, end of November or bago mag-December man lang,â excited na kuwento ni Juday. Anong klaseng fund-raising naman ang naiiisip nila? âWeâre working on a collaboration from the students of CACS (Center for Asian Culinary Studies). Inaayos pa namin. Itâs gonna beâ¦parang set-up dinner na iso-showcase âyung ibaât ibang puwedeng gawin sa kasuy since ang Ploning ay nabuo dahil sa kasuy. So, isa âyon. âAnd then, guests will also participate, like if they want to learn to cook, or stir-fry, or sushi-make, magpa-participate rin sila, itâs part of the fund-raising and Ploning photographs will also be auctioned. âThen, nag-iisip pa rin kami âcoz we want this to be a unique fund-raising and rest assured na kung anuman ang tulong na maibibigay nila sa amin, ire-report namin sa kanila. Hindi namin ito gagamitin sa kung anumang binabalak or iniisip ng ibang tao. âPara âto sa sana, matupad or makarating tayo sa Magic 5 (sa Oscars). Itâs a Christmas gift for everybody kung sakaling makilala sa Hollywood ang buong Pilipinas. â Sa ngayon, nauna na ang direktor ng Ploning na si Dante Garcia (also called Direk Ga) at ayon kay Juday, susunod siya sa Nobyembre. Isa pang Christmas wish ni Juday, sana raw, matapos na ang adoption papers ni Yohan na matagal na nilang inaayos. Plus, sana rin daw, matapos na ang BIR case niya nang sa gayun, wala na siyang pinuproblema pa. * * * Nakarating sa amin ang balita na binigyan daw ng standing ovation si Jed Madela sa show nila nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Edu Manzano and Jericho Rosales sa Rome, Italy, last week nang kantahin ng singer ang Nessun Dorma, isang classic at well-known tenor aria sa Italy. Nagpunta roon ang nasabing Kapamilya stars para sa PLDT Smart Pinoy Launch. Si OMB Chairman Edu ang nakaisip ng ideya na kantahin ito ni Jed sa show. Noong first day daw kasi ng grupo sa Italy, kumain sila sa isang Italian restaurant at ni-request ni Edu kay Jed na kantahin nito ang nasabing piyesa. Katuwaan lang daw. Jed sang the piece at nagsilapitan daw lahat ang mga Italian para pumalakpak. Proud na proud naman daw ang buong grupo. Dahil sa nasaksihan, ni-request ni Edu sa PLDT na bayaran ang rights ng Nessun Dorma para makanta ito ni Jed sa show sa Rome. Nang kantahin ito ni Jed sa show, binigyan siya ng standing ovation ng mga Filipino at Italyanong nanood, including the security personnel na nakalimutan na raw ang magbantay at napatanga sa panonood sa singer. After the show, nagdagsaan daw sa backstage ang mga Italyano para personal na i-congratulate si Jed, dahil pati raw ang pronounciation nito sa piyesa ay perfect. We learned na marami palang singer ang natatakot na kantahin sa Italy ang nasabing materyal, pero nagawa ito ng Filipinong si Jed in flying colors. Samantala, pagdating sa bansa ni Jed, sasabak siya agad sa isang show with Richard Poon, K Brosas, Valerie Concepcion at Mariel Rodriguez, October Best, sa Zirkoh, Timog on October 18. Matagal-tagal na ring nasasabik ang ating mga kababayan kay Jed dahil these last few months, nag-concentrate siya sa pagso-show out of the country. First time na magkakasama sina Jed at Richard sa isang show, kaya umaatikabong showdown ito. Source: People's Tonight |