|
|
| Aktor na nilayasan ng dyowa, 'di makakain at laging tulalaAuthor: Nitz Miralles Magtu-two months na raw ang lihim na relasyon ng isang sikat na singer-actor at ng magandang actress at mukhang tagumpay ang pagtatago ng dalawa sa kanilang relasyon dahil kokonti pa lang ang nakakaalam, kabilang ang kanilang mga ex. Magaang tinanggap ng dating nobya ng singer-actor na may bago nang love ang ex-BF, pero iba ang naging pagtanggap ng actor at ex ng magandang actress. Nag-iinom ito, hindi kumakain at madalas ay tulala. Mahal na mahal nito ang magandang actress at hindi maintindihan kung bakit lagi siyang sinasaktan. Hindi ito ang first time na iniwan siya ng actress for another man. * * * First acting award ni Arnold Reyes ang napanalunang best supporting actor sa Cinemalaya Cinco para sa pelikulang Astig, kaya kahit may mga nagsasabing dapat sa best actor category siya na-nominate at nanalo, okay na sa kanya. Ang importante, na-recognize ang acting niya. Kung may naka-disappoint man kay Arnold ay ang hindi pagkakapanalo ni Edgar Allan Guzman na revelation para sa kanya. Napaka-natural daw ng acting nito at parang hindi umaarte at si Edgar din ang buo ang istorya sa kanilang apat. Malakas din ang impact ng role ni Arnold lalo na 'yung naglakad siya sa kalye na naka-briefs lang. Bago kunan ang eksena, nasa kotse lang siya at ninenerbyos at nagpasama pa siya sa staff, pero nang nakababa na siya at nakatuntong sa lupa, nawala ang takot niya. May mga nagawa nang indie film si Arnold at may love scene pa nga siya kay Paolo Paraiso sa Imoral, pero ang Astig ang biggest movie niya. Inimbita ang movie sa 14th Pusan International Film Festival sa October 8-16 at sasama siya. Next na mapapanood si Arnold sa pelikula ni Vilma Santos sa Star Cinema at overwhelming daw maka-trabaho ang actress. "Overwhelming at nakaka-amaze siya dahil 'pag hindi niya alam ang gagawin, nagtatanong siya. For her to ask at sa status niya, eye opener sa akin 'yun, ibig sabihin, 'di ka dapat tumigil mag-aral. Nagre-request siya nang paulit-ulit na take at 'di nagrereklamo. Ang dami kong natutunan sa kanya at naka-suporta siya kahit wala sa kanya ang camera," sabi ni Arnold. * * * Birthday ni Star Magic talent Xian Lim noong July 12, and to celebrate his 20th birthday, nag-dinner sila ng parents niya sa buffet ng Shangri-La Edsa. Wala siyang natanggap na birthday gift, pero masayang kasama ang mga magulang at ang magandang takbo ng kanyang career. Isa siya sa kapareha ni Erich Gonzales sa Katorse at role ni Alfie Anido sa original movie ang ginagampanan. Kasama rin siya sa Top 100 bachelors ng Cosmopolitan magazine at nakaw-eksena ang height at kaguwapuhan. Born and raised sa San Francisco, California si Xian at umuwi rito when he was six years old to learn Filipino values pati ang paggamit ng "po" at "opo. " Kaya straight ang Tagalog nito at walang American accent at puwedeng mag-request sa kanya ng accent. * * * Ngayong Sunday na magtatapos ang Kay Tagal Kitang Hinintay episode ng Dear Friend at tampok ang triangle nina Chynna Ortaleza, Polo Ravales at Sunshine Dizon. Sa istorya, ayaw na sana ng problema ni Michael (Polo) dahil ikakasal na sila ni Dianne (Chynna), pero ayaw siyang patahimikin ng kanyang puso at kahit anong pigil, hindi niya maitagong si Rachel pa rin ang mahal niya. Nagdesisyon siyang sundin ang puso at 'wag nang ituloy ang kasal nila ni Dianne, magtatangkang mag-suicide ang fiancée. Paano magwawakas ang kuwento nina Dianne, Michael at Rachel? Huwag palalampasin ang huling bahagi ng Kay Tagal Kitang Hinintay sa direction ni Don Michael Perez. * * * Second meeting pa lang ng entertainment press kay DILG Secretary Ronnie Puno, pero marami na siyang na-convert sa press at nangakong susuportahan siya sa pagtakbo niyang vice-president sa 2010 elections. Maayos nitong naipaliwanag kung bakit gusto niyang tumakbo at nagustuhan ng press ang sinabing hindi siya magsasalita ng masama sa mga makakalaban niya at hindi siya mang-aaway. Isa pang nagustuhan ng press kay Sec. Ronnie ay bukod sa family man, mahal pa ang mga magulang. Isinama nito sa States ang kanyang parents para dumalo sa kasal ng kanyang anak at para magkaroon sila ng quality time with his parents. 'Katuwa na mas nauna pang nalaman ng iba na tatakbo siyang vice-president kesa pamilya niya na sa dyaryo lang nalaman ang kanyang plano. "Ang problema sa akin, ang name and face recall dahil ang dami ng Puno. Kundi maalala ang name ko, lalo na ang mukha ko, pero determinado ako at tingin ko, wala pang nagdi-declare kundi si Sen. Kiko Pangilinan," wika ni Sec. Ronnie. * * * Tamang-tamang birthday ni Dingdong Dantes ngayon at guest pa siya sa True Confections ng Q Channel 11 na mapapanood, 6:45 p. m. mamaya. Treat kay Dingdong ng hosts na sina Sam Oh at chefs Jackie Ang-Po at Aileen Anastacio ang special dessert recipes. Si Chef Aileen ay gumawa ng mousse cake that mixes two kinds of chocolate at si chef Jackie, naghanda ng classic Angel Food cake topped with whipped cream and berries. Kaya naman enjoy si Dingdong sa pagbisita sa True Confections. * * * NAGBIGAY din ng official statement si Sen. Loren Legarda tungkol sa pagpanaw ni dating Pangulong Cory Aquino at eto ang kanyang pahayag: "The death of Pres. Aquino should serve to remind us of the kind of courage and unity we should show amid lingering threats to our collective freedom. Her death and the sacrifices she made for the Filipino people will have greater meaning if we stop relying on icons of democracy to do what we can as a people, one and united. That's the greatest tribute we can give her. " Source: People's Tonight |