Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Aktor na walang project, kumakapit sa patalim

Aktor na walang project, kumakapit sa patalim

Author: Gerry Ocampo
Column: Hot Shots

Wala nang project ang actor na dati-rati'y nakukuha raw ng mga rich gay sa halagang P50,000 isang gabi.

Kaya ngayon, P5,000 na lang daw ang presyo nito, na ikinagulat naman ng kanyang mga parokyanong bakla.

"Kapit sa patalim" ang actor dahil may anak na dapat sustentuhan. Pinagtatatawagan pa raw nito ang mga "suking" rich gay na kahit P5,000, okay na sa kanya.

Ang siste, kahit ikinagulat ang pagbabagsak-presyo ng actor, hindi pa rin siya ma-take home ng mga bading dahil sa rami ng mga bagets na actor ngayon na "nagbebenta" rin daw ng "kaligayahan. "

Magsisi man daw ang actor sa pagkakaroon ng marangyang pamumuhay noon, huli na, dahil nga hindi na niya maibabalik ang tinamasang tagumpay.
* * *
May nagtsika sa amin na isa si Angel Locsin sa mga kinukonsidera ng Dos na gumanap bilang Betty La Fea, pagkatapos ng pakikipagtambal nito kay Piolo Pascual sa Lobo.

Kung totoo, magandang follow-up nga naman para kay Angel ang naturang teleseryeng minsan ding pinangarap gawin ni Regine Velasquez.

Totoo rin daw na nabanggit ang pangalan ni Valerie Concepcion para sa role, pero mas maganda raw ibigay kay Angel ang naturang project.

Anyway, pumayag na nga pala si Angel na mag-pose nang super sexy sa isang men's magazine.

Ayon sa manager niyang si Becky Aguila, tatalbugan ni Angel ang mga dati nang nag-pose nang daring sa alinmang men's mag.

Sabi nga ng mga nakasaksi sa pictorial ng controversial actress, kakabugin nito ang lahat ng sexy cover girls.

Take note, ha, labas na ngayon ang super sexy pictorial ni Angel sa mga magazine at newsstand.

May kopya na kaya nito ang napapabalitang boyfriend ni Angel na si Luis Manzano?

Ano naman kaya ang reaction ng binata nina Gov. Vilma Santos at OMB chief Edu Manzano sa ginawang pagpu-pose nang sexy ni Angel?
* * *
Nagulat, pero natawa na lang daw ang reporters na dumalo sa presscon ng movie nina Jennylyn Mercado at Japanese actor na si Jackie Woo.

Nagtaray daw kasi ang Japanese producer-actor sa writers dahil 'di nagustuhan ang mga tanong tungkol sa pagbubuntis ni Jen.

Bakit daw hindi na lang ang tungkol sa movie nila ang pag-usapan?
Lagi na lang daw ang pagbubuntis ni Jen ang inuurirat ng press, hahaha!

Ang gusto raw pala ni Jacky na itanong ay ang ginawa nilang pagsasayaw bago makipaglaban. Buti na lang at hindi niya isinama ang pagkanta, huh! Take note, action movie, hindi musical, ang The Half-Blood Samurai, na showing na sa March 5.
* * *
Sabi ni Senator Bong Revilla sa taping ng Kap's Amazing Stories (Sundays sa GMA-7), ngayon lang niya nakita kung gaano kaseryoso ang anak na si Jolo sa babae.

Naniniwala si Sen. Bong na tinamaan talaga ni Kupido ang puso ni Jolo para kay Lovi Poe.

Payo ng aktor-politician sa anak, huwag magmadali dahil bata pa naman sila ni Lovi. Pagtuunan muna raw nila ng pansin ang pag-aaral at paghahanda para sa kanilang kinabukasan.

Dapat daw, i-enjoy muna nina Jolo at Lovi ang kanilang kabataan at gawing inspirasyon ang pagmamahal sa isa't isa.

Anyway, kung sila naman daw talaga ang tinadhana, sila ang magkakatuluyan anuman ang mangyari.

Samantala, thankful si Sen. Bong na consistent ang magandang rating ng KAS tuwing Linggo.

Source: People's Tonight