|
|
| Aktor nabosohan sa lovescene kay PalomaAuthor: Mell T. Navarro SHOWING pa rin hanggang ngayon ang sexy-thril-ler indie film na Pitik Bulag, na pinagbibidahan nina Marco Alcaraz, Victor Neri, at introducing ang new sex goddess na si Paloma sa ilalim ng direksiyon ni Gil Portes. Happy ang lead actor na si Marco dahil nakakuha ito ng A rating mula sa Cinema Evaluation Board. "Nakakatuwa dahil kahit maliit lang ang movie namin, Rated A naman ito at magaganda ang nakukuhang reviews from critics," bungad ni Marco. "At least, 100% tax free sa producer. " Ayon sa batas, ang producer ng may A movie ay may incentive na equal to 100% ng amusement tax collected by Metro Manila cities and municipalities. Kaya komento tuloy ng executive producer ng Pitik Bulag na si Arnold Vegafria: "Kaming maliliit na producers, gusto naming gumawa ng maraming indie films. Kaya sana, suportahan kami ng mga tao. We want to make more para hindi bumagsak ang film industry. "Mahusay ang pagka-kaganap ng tatlong bida," part ng mini-review ni Ronald Carballo sa kanyang online account. "As a whole, maganda ang kuwento ng Pitik Bulag, at 'di naman siya kasing-sama ng ibang indie films ng mga director na pinabili lang ng suka. " Ang Pitik Bulag ay is-torya ng isang movie stuntman (Marco) na nakakuha ng isang bag of gold na nailaglag ng mga magnanakaw matapos mangholdap ng isang bangko. Ang asawa nito (Paloma) ay nagsabing i-share ang salapi sa pa-milya ng tatlong guards na nasawi sa nasabing robbery. Pero ang siste, ang lead robber (Victor) ay nakatakdang hanapin at patayin ang mag-asawa. "Halos lahat ngayon, sexy na ang ginagawa. Ang Pitik Bulag, 80% drama na may konting thrill dahil sa paghahanap sa amin ni Victor Neri kaya may istorya naman ito," ani Marco. May dalawa ring maiinit na eksena sina Marco and Paloma, kaya nang tanu-ngin kung paano niya di-describe ang bagong leading lady na naging cover girl ng FHM Magazine recently. "She's hot and sexy!" sambit nito. Ayon pa kay Marco, siya pa raw ang "tinuruan" ni Paloma sa kanilang love-scene at nakitaan siya ng puwet dito. "Para nga akong student niya, ako ang tinuruan niya, hahaha! Kabado lang ako siyempre dahil first time. Nadala ako nang kaunti dahil hot nga si Paloma, eh," natatawang kuwento pa ng aktor. Totoo bang nagpunta muna si Marco sa CR bago ginawa ang lovescene? "Para maglagay ng plaster. Mahirap na, hahaha! Panoorin ninyo kung nakita nga ang behind ko, hahaha," dagdag pa niya, na kasama rin sa cast ng Rosalinda. Ang Pitik Bulag ay produced by ALV Productions, in cooperation with LVD Multi-media. * * * It's good to hear na maganda ang feedback at ratings ng The Wedding nina Anne Curtis, Derek Ramsay at Zanjoe Marrudo, na gabi-gabing napapanood sa ABS-CBN Primetime Bida. Talbog nito ang kalabang show sa Siyete, huh! Mula sa comparative TV ratings ng ABS-CBN and GMA-7 programs mula June 30 to July 2, base sa overnight ratings of AGB Nielsen Philippines among Mega Manila households, noong June 30 (Martes), 20. 3% ang nakuha ng The Wedding, kumpara sa Cruel Love ng GMA-7. Last July 1 (Wednesday), 20. 2% ang The Wedding at 18. 4% ang Cruel Love. Although kinabuka-san (July 2, Huwebes) ay nakabawi ang Cruel Love with 19. 1% while The Wedding had 17. 2%. Pero happy ang production staff ng The Wedding dahil bukod sa original Pinoy romantic-comedy ang handog nila, mas maraming araw sa buong week sila mas mataas kaysa sa kalaban. Kumbaga, matinding "bakbakan" pa rin ang GMA and ABS-CBN shows for the primetime supremacy sa Mega Manila, ayon sa lehitimong AGB Nielsen Philippines, kung saan mas maraming malalaking kumpanya ang nagsu-subscribe. Very happy siyempre sa balitang ito ang tatlong stars ng show, lalo na ang dalawang director na sina Jeffrey Jeturian and Mae Cruz. At siyempre, ang executives-in-charge sa production na sina Enrico Santos and Raymund Dizon. "Nagbunga rin ang efforts namin and it's worth the long wait," masayang sabi naman ni Anne. Source: Taliba |