|
|
| Aktor, nade-develop sa leading ladyAuthor: Vinia Vivar Biglang naging kontrobersyal si Maricar Reyes dahil sa pagkakasangkot sa sex video scandal with Dr. Hayden Kho. Kung hindi kami nagkakamali, na-interview na namin minsan ang talent na ito ng ABS-CBN. Siya 'yung doctor by profession at sideline lang ang pag-aartista. Huli namin siyang napanood bilang guest star sa I Love Betty La Fea. Sweet ang face ni Maricar, soft-spoken pa, kaya hindi mo aakalaing mai-involve siya sa ganitong klase ng Iskandalo. Aside from the fact na doktora nga siya, graduate pa ng Ateneo at mukhang may kaya. May nag-text sa amin the other night na out na raw sa isang website sa Internet ang diumano'y sex video ni Maricar with Dr. Hayden. Binanggit sa amin ang website at sinubukan naming buksan, pero hindi na namin naituloy na hanapin ang video dahil porn site pala 'yon at sa homepage pa lang, bubulaga na sa 'yo ang hubo't hubad na mga larawan ng kung sinu-sino. May nagsasabi namang pinagpipiyestahan na raw sa bangketa ang DVD copies ng naturang sex video, pati na rin umano ang kontrobersyal na sex video ni Katrina Halili at Dr. Hayden, na napanood na yata ng lahat pero hindi pa namin napapanood. In fairness to Katrina, hinaharap niya ang issue kahit alam naming napakahirap ng kanyang pinagdaraanan. Si Maricar naman, as of press time, ay wala pang lumalabas na pahayag at ewan kung may balak na magsalita, pero tulad din ni Katrina, for sure, apektado rin siya sa napakalaking kahihiyang ito. Baka nga hindi na niya alam kung paano haharapin ang kontrobersiya since baguhan pa lang siya. * * * Mukhang totoo ngang nade-develop na ang aktor sa kanyang leading lady sa isang teleserye dahil lagi raw nitong binibiro at inaasar ang young actress sa set. Ayon sa mga nakakapansin na staff, halatang-halata ang aktor na may gusto sa leading lady pero hindi pa lang makaporma. Panay din daw ang panakaw nitong sulyap kapag hindi nakatingin ang young actress. Hindi lang alam ng staff kung magkakalakas ng loob na manligaw ang aktor dahil may boyfriend na ang young actress. Pero kung lagi raw magkasama ang dalawa, malamang na lalo pa raw lumalim ang pagtingin ng aktor sa leading lady. * * * Masayang-masaya ang buong staff at cast ng Tayong Dalawa for taking the lead last week sa Mega Manila ratings. Ang nasabing serye ang nag-No. 1 last Thursday, May 14, sa overnight ratings AGB Nielsen with a 32. 7 percent audience share. Kaya naman super happy ang cast, lalo na ang tatlong bidang sina Jake Cuenca, Gerald Anderson at Kim Chiu, dahil hindi nasasayang ang kanilang paghihirap. Siyempre, malaking bagay din sa serye ang powerhouse cast nito na kinabibilangan ng mga award-winning actors and actresses. Tulad na lamang ni Coco Martin, na habang tumatagal ay lalong humuhusay. Sa totoo lang, pang-award na naman ang acting niya sa nasabing serye. Si Agot Isidro, revelation talaga dahil sa husay ng pagganap bilang Ingrid, si Cherry Pie Picache bilang Marlene, na grabe rin ang ipinakikitang galing, at ang dalawa pang veteran stars na sina Helen Gamboa at Gina Pareño. Anyway, mas lalo pang matitinding eksena ang mapapanood sa mga darating na episode, kaya abangan. Source: People's Tonight |