Apr 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Aktor, nakipag-orgy sa silahis at modelo

Author: Abante Tonite

BADING ba si P na produkto ng isang reality talent show? Usap-usapan kasi na nakipag-threesome ang young actor na si P kina T (isang nagkakaedad na aktor na aminadong silahis) at N (isang guwapong modelo).

***

Mapangahas ang pictorial ng indie actor na si Jonas Gruet para sa indie movie na Taksikab.

Naka-post sa pinoywatching.blogspot.com ang publicity photos ni Jonas na naka-see through siya kundi man wala siyang saplot.

***

Na-Ondoy ang pelikulang Nandito Ako... Nagmamahal Sa 'Yo na pinagbidahan ng loveteam nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Angat na angat doon ang akting ni Aljur kumpa­ra kay Kris.

Pinaghiwalay sila. Nagbida si Kris sa tele­seryeng Koreana, at positibo ito sa ratings pati sa akting ng bida.

Nagbida si Aljur sa telefantasyang Machete, at kapansin-pansin ang kanyang 'wooden acting' dito.

Ewan kung sinadya iyon ni Aljur dahil sa istor­ya, ang mandirigmang si Machete ay naging puno, at mula sa puno ay inukit ang kanyang estatwa.

Nagwakas ang Korea­na. Ipinasok si Kris sa Machete. Nagkagulu-gulo ang istorya ng telefantasya.

Inilipat ang time­slot ng Machete. Ginawa itong kasunod ng Korea­nobelang The Bake­r King.

Ngayon pa lang ay bongga na ang promo ng GMA 7 sa pagbabalik ng Captain Barbell, na papalit sa Machete.

Hindi mae-extend ang telefantasya ni Aljur.

***

Mabibili ang iPAD2 simula Marso 11 sa Amerika.

Mas manipis ito at mas magaan kumpara sa unang iPAD. At syempre, mas mabilis.

***

Hindi pala natuloy ang showing ng indie movi­e na Bata Pa Si Rafael last week.

“Ire-rebook ito,” sabi ng direktor na si Lucas Mercado.

Source: Abante Tonite