|
|
| Aktres, biktima ng harassmentAuthor: Jojo Gabinete BIKTIMA ng harassment ng isang direktor ang sikat na aktres. Ayon ito sa talent search contestant na dating contract star ng isang malaking entertainment company. Ikinuwento ng contestant na naudlot ang kanyang showbiz career dahil siya ang napagbintangan na nagkalat ng balita tungkol sa karanasan ng aktres. Shocked na shocked ang mga nakarinig sa revelation ng talent search contestant dahil hindi nila alam na nasangkot sa isang maselan na isyu ang aktres. Hindi lamang si Anna Nicole Smith ang inisnab sa In Memoriam ng 80th Annual Academy Awards dahil hindi rin kasama ang namayapang aktor na si Brad Renfo. “It's a shame,” ang reaksyon ni Jesse Metcalfe ng Desperate Housewives sa pagkakaitsa-pwera kay Brad sa In Memoriam ng Oscars. Napaiyak sa The View si Whoopi Goldberg dahil hindi ito kasama sa past Oscar-host clip reel kahit apat na beses siya naging host ng Annual Academy Awards. Bukod kay Whoopi, inisnab din si Steve Martin, ang host ng 73rd at 75th Annual Academy Awards. Mga panlalait ang tinanggap ni Tilda Swinton, ang best supporting actress winner ng Oscars para sa pelikulang Michael Clayton. Look-alike si Tilda ng Hollywood actor na si Eric Stoltz. Ikinumpara sa Van Nuys High School graduation gown ng mga fashion critic ang black gown na ginamit ni Tilda sa awards night. Mga copycat ni Gretchen Barretto sina Christina Aguilera, Jennifer Lopez at Angelina Jolie na halata na ang mga bukol sa tiyan pero hindi kaagad inamin ang kanilang pagbubuntis. Natatandaan pa namin ang pagsipot ni Gretchen sa hearing ng 1994 Manila Film Festival scam sa sala ni Judge Felixberto Olalia Jr. ng Manila Regional Trial Court. Halata na ang bump sa tiyan ni Gretchen sa suot niya na pink business suit pero hindi niya inamin ang kalagayan kahit paulit-ulit ang pagtatanong sa kanya ng mga reporter. Nang maupo sa witness stand si Gretchen, “Are you pregnant?” ang unang tanong sa kanya ng defense counsel pero kinontra ito ng abogado ng aktres dahil irrelevant sa kaso ang katanungan. Dahil My Big Love ang title ng pelikula nila nina Sam Milby at Toni Gonzaga, tinanong si Kristine Hermosa kung sino sa mga nakarelasyon niya ang kanyang 'big love.' Ang pangalan ng asawang si Diether Ocampo ang sinabi ni Kristine na big love niya pero si Jericho Rosales ang kanyang first love. Si Kristine ang other love interest ni Sam Milby sa My Big Love na magbubukas ngayon sa mga sinehan. Matamis na ngiti ang sagot ni Lovi Poe sa mga nakakapansin na lalo siyang gumanda mula nang magkaroon sila ng relasyon ni Jolo Revilla. 'Truth' man ang resulta ng lie-detector test sa sagot nina Jolo at Lovi na wala pa silang relasyon, iba ang sinasabi ng mga malalapit na kaibigan nila. Boyfriend na raw ni Lovi si Jolo at mapapadalas ang kanilang pagkikita dahil magkasama sila sa Kaputol ng Isang Awit, ang bagong afternoong TV series ng GMA 7. Blooming si Lovi nang makita namin siya sa birthday party ni GMA 7 executive Wilma Galvante noong nakaraang Biyernes. Lalong naging kahawig ni Lovi si KC Concepcion kaya pwedeng-pwede na mapagkamalan silang magkapatid. Inihahanda na ng GMA 7 ang bagong show ni Regine Velasquez na naawat sa paglipat sa ABS-CBN. Reportedly, ang Filipino version ng isang sikat na koreanovela ang pagbibidahan ni Regine. Natuwa ang fans ng singer-actress nang malaman nila na hindi na matutuloy ang pag-alis ni Regine sa GMA 7. Nakikiayon ang fans ni Regine sa opinyon ni German Moreno na siya ang tunay na reyna ng Kapuso network kaya hindi niya dapat iwanan ang nabanggit na TV station. ***
Source: Abante |