Apr 17
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Aktres, kalat ang hubad na larawan sa Internet!

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

BREACH of confidence ang ginawa sa aktres ng kanyang ex-husband.

Nag-circulate sa Internet ang nude photos ng aktres at isang tao lamang ang puwedeng pagbintangan na source ng mga larawan, ang kanyang dating asawa.

Ayon sa isang nakakita sa nude pictures, artistic ang mga kuha ng aktres na conservative ang image kaya big deal sa mga kaibigan niya ang kanyang mga hubad na larawan.

With consent ng aktres ang pagpapakuha ng litrato at ginawa niya �yon dahil sa sobrang pagmamahal sa kanyang asawa.

Nang maghiwalay ang dalawa, saka nag-umpisang mag-circulate sa Internet ang nude photos ng aktres. Marami na ang nakakaalam sa website address na kinalalagyan ng mga hubad na larawan ng aktres na biktima ng pang-aabuso ng kanyang ex-husband.

***

Napanood na namin ang full-trailer ng TXT, ang pelikula na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Oyo Boy Sotto at Dennis Trillo.

Nakakatakot ang mga eksena na ipinapanood sa amin ni Malou Choa-Fagar.

Ang buong akala namin, isang romantic movie ang TXT pero isa pala itong horror film.

Si Michael Tuviera ang direktor ng TXT na magkatulong na ipinrodyus ng APT Entertainment at Regal Films.

***

May mini-bazaar sale si Aubrey Miles sa September 30 at mga mamahaling items ang kanyang ipagbibili. Invitational o RSVP ang bazaar sale with a cause ni Aubrey.

Sa text message na ipinadala niya sa mga kaibigan, mga Prada, Gucci, Topshop, Zara, Jimmy Choo, Nine West at Steve Madden items ang mabibili sa kanyang mini-bazaar.

Mula alas-10:00 nang umaga hanggang five ng hapon lang ang bazaar na idaraos sa Unit 202 Corinthian Place, Valencia St., Quezon City.

***

Napuyat kami noong Miyerkoles dahil inabot kami ng madaling-araw sa surprise birthday dinner na ibinigay ni Mrs. Lily Monteverde at ng Wednesday Club members sa aming entertainment editor na si Dondon Sermino.

Nasorpresa si Dondon dahil hindi nito inaasahan ang kind gesture ng kanyang mga kaibigan sa Wednesday Club.

Sina Juliana Palermo, Diana Zubiri, Directors Chito Rono, Maryo J. delos Reyes at Manny Valera ang ilan sa surprise guests ni Dondon.

Hindi nakalimutang magdala ni Dolor Guevara ng masarap na beef tapa at tulingan.

Nakisaya rin kay Dondon ang Abante Tonite Entertainment editor na si Jerry Olea (na nag-celebrate ng birthday noong Huwebes), Malou Choa-Fagar, Ian Farinas, Pete Lacaba, Salve Asis (ngayon ang kanyang birthday), Jun Nardo (birthday celebrator bukas), Anna Pingol, Boy Borja, Oliver Carnay, Allan Diones, Direk Boots Plata, Susan Tagle at Redgee Magno.

***

Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com

Source: Abante