|
|
| Aktres, may mental problemAuthor: Ogie Diaz BLIND ITEM: Isang dating aktres ang nasa "basement" ngayon ng isang ospital near Orti-gas. Ayon sa aming source, may "mental problem" ang naturang aktres, kaya mata-gal-tagal na rin itong "nani-nirahan" sa basement. "In fairness, maganda pa rin siya. Parang wala namang pagbabago sa mukha niya. Sariwa pa rin. Kausap ko nga siya, eh. Matino namang magkuwento hanggang sa kalagitnaan ng kuwento, me maaalala siya, 'yun ang ikukuwento niya. Nag-iiba 'yung mood niya. "Nakakaawa nga, kasi, 'yung ibang pasyente na naroroon, may mga dalaw, eh. Tulad nu'ng binatang anak ng isang Cabinet secretary, kahit busy ang tatay no'n, talagang tutok sa anak na nire-rehab due to drugs. "Etong si aktres, wala raw dumadalaw. Parang nahihiya 'yung mga kaanak na dumalaw, baka daw ano'ng isipin ng mga tao roon. Alam kaya 'yon ng kapatid niyang actress-politician? Sana, dalawin naman niya 'yung kapatid niya!" Sabi nga namin sa aming kausap, kung totoo mang hindi dinadalaw, baka bahagi 'yon ng rehabilitation sa aktres, hindi kaya? Imposible namang dedmahin ito ng asawa at mga anak. * * * Marunong talaga si God, 'no? Imagine, "inaalat" kami sa aming tv career, buti na lang, buhay pa ang aming writing career. At sa ginanap na Christmas party ng MyDSL (sa imbitasyon ng publicist nitong si Ms. Shirley Pizarro) sa Annabel's kahapon kung saan namudmod ng mga PLDT MyDSL jackets, ipods, cash, WeRoam, router, mini-laptops at ang grand prize na MacBook laptop, guess kung ano ang aming nakuha? Kami ang unang nabunot ng Promo manager nitong si Gary Duhali para sa jacket na sosyal. Tapos, nu'ng ibalik lahat ang mga nabunot na para sa dalawang WeRoam ay kami pa rin ang nabunot. Nu'ng ibalik uli ang lahat-lahat para sa grand prize ay ang Head naman ng Retail Business Group na si Mr. Dan C. Ibarra ang bumunot, aba'y tingnan mo nga naman, ang sabi niya, "May 'Z' sa dulo ang pangalan. Aba, ang suwerte naman nitong taong 'to!" at napatili na lang kami nang bonggang-bongga. Ha-ha-ha! Thank you sa PLDT MyDSL na siyang Internet provider talaga namin sa house, promise. * * * Inaantabayanan na ang pagbabalik ni Willie Revillame para itanong sa kanya kung totoo ang nasulat na balitang nag-flop ang San Diego concert nila. Sana, hindi ito true, dahil alam naming gusto lang magpasaya nina Willie, Pokwang, Mariel Rodriguez at Valerie Concepcion. Hinihintay rin si Willie ng ibang reporters, dahil curious silang malaman sa mayamang komedyante kung alin sa mga filmfest entries ang kanyang panonoorin. Panonoorin daw kaya ni Willie ang Iskul Bukol: 20 Years After nina Tito, Vic at Joey? Sa totoo lang, nakakatawa ang trailer ng Iskul Bukol na hinuhulaang siyang mahigpit na makakalaban ng Ang Tanging Ina N'yong Lahat ni Ai-Ai delas Alas sa pagiging topgrosser. Juice ko, kung kilala namin si Willie, baka nga i-promote pa niya 'yang TVJ movie sa Wowowee as a sign of reconciliation. 'Wag na lang mag-aaway o magpaparunggitan uli on national tv para wala ring sumbatang marinig. * * * Pang-Presidente pala talaga ang mga ipinatahing outfit ng Star Cinema para kay Ms. Ai-Ai delas Alas bilang Presidente ng Pilipinas sa Ang Tanging Ina N'yong Lahat, 'no? "Naku, mare, ang laki talaga ng gastos nila sa mga outfit ko. Binonggahan nila nang bonggang-bongga para magmukha talaga akong presidente. "Tapos, ang pinag-uusapan sa presscon, eh, ang sex life ko, tama ba 'yon? Hahaha!" Hanggang sa matapos ang presscon ay tinatanong namin si Ai-Ai kung sino 'yung action star na tinutukoy niyang nainlab siya at ilusyon niyang pakasalan siya. "Naku, mare, 'wag na. .. hayaan mo na sa mga fans na isipin nila kung sino 'yon!" Kunsabagay, ang role ni AI-Ai sa filmfest entry ng Star Cinema ay RP's President. Republic of the Philippines po. Source: People's Tonight |