Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Aktres, nagloloka-lokahan sa taping ng teleserye

Author: Leo M. Bukas
Column: Footloose

IMBIYERNA ang mga katrabaho ng magaling na aktres sa inaasal nito lately. Ilang araw na kasing palaging napapack-up ang taping ng kanilang teleserye dahil hindi ito sinisipot ng aktres.

Kahit nasa set na ang production staff at ang ilang artista kasali sa serye, bigla na lang silang pauuwiin dahil hindi raw pupuwedeng mag-taping ang aktres na bida ng serye.

Kung anu-anong dahilan ang sinasabi ng aktres sa hindi niya pagsipot sa taping. Katulad din ito ng mga dahilan niya noong panahong may ginagawa rin siyang serye sa kanyang mother network.

Sa kuwento ng aming source, isang award-winning actress ang dalawang araw na pinaghintay ng dalagang ito. On call ang award-winning actress para sa taping kaya hindi siya tumanggap ng commitment only to find out na hindi rin pala siya makukunan dahil hindi dumating sa set ang aktres na bida ng serye.

Naawa tuloy ang award-winning actress sa production staff ng seryeng kanilang ginagawa dahil nawawalan ito ng trabaho sa tuwing mag-iinarte ang bidang aktres.

Dati na ring tinalakan ng isang premyadong direktor ang aktres na ito dahil bangag ito nang dumating sa taping ng kanilang soap opera ilang taon na ang nakakaraan.

* * *

IKINUKUMPARA ngayon si Maja Salvador kay Cristine Reyes. Kaya rin daw ba ni Maja ang pagpapaka-daring na ginagawa ni Cristine?

Naku, parang hindi naman tamang pagkum-parahin silang dalawa. Magkaiba naman ang packaging ng dalawa. Si Cristine ay ginu-groom ng Viva bilang sexy actress, si Maja naman, very wholesome ang image.

Ngayon lang "bumigay" si Maja sa teleserye dahil siya na ang bida rito. Kung hindi pa nga raw dumating ang Nagsimula sa Puso na magsisimula sa Lunes (Oct. 12) after Wowowee, hindi pa makapagdedesisyon ang dalaga na ipakita ang kanyang mga itinatago.

Sabi nga noon ni Maja, matagal na raw niyang hinintay ang mabigyan ng big break sa soap opera at ngayong hawak na niya ito, willing siyang ibigay ang lahat-lahat.

Makakasama ni Maja sa Nagsimula sa Puso sina Nikki Gil, Jason Aba-los at Coco Martin.

* * *

FIRST time naming nakita sa TV si Raymond Yap, ang boyfriend ni Ara Mina. Nakorner siya sa birthday party ng anak nina Aubrey Miles at Troy Montero.

In fairness, guwapo pala si Raymond. At merong "something" sa kanya na masarap i-discover.

Very proud naman si Ara sa kanyang BF at ayon sa kanya, marami siyang natututunan dito.

Source: People's Tonight