Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Aktres, sinasaktan ang sarili!

Author: Nitz Miralles

NAINTRIGA ang mga kaibigan ng actress sa isinulat nito sa kanyang status sa Facebook account na "I'm sooo in pain and I wanna die. "

Sinubukan siyang kontakin ng ilang kaibigan, pero hindi siya sumagot.

May kinalaman kaya sa malubhang sakit ng isa sa immediate family niya ang "pain" na binanggit ng actress?

Maganda ang takbo ng kanyang career, lagi siyang may regular show at maayos ang takbo ng kanyang lovelife at masaya siya sa piling ng kanyang boyfriend.

Wala naman siguro siyang sakit dahil tuluy-tuloy ang kanyang trabaho, kaya naniniwala ang mga kaibigan niyang emotional pain ang kanyang dinaramdam.

Natatakot ang mga kaibigan ng actress sa puwede niyang gawin kung 'di niya mailalabas ang dinadalang emotional pain lalo't may history itong sinasaktan ang sarili 'pag 'di nakakayanan ang problema.

* * *

HINDI pa man tapos ang Luna Mystika, nagre-request na ng kasunod na project ang fans nina Heart Evangelista at Mark Anthony Fernandez sa GMA-7.

Kung sila ang masusunod, gusto nilang ang Pinoy adaptation ng Korean novela na Stairway to Heaven ang next na pagtambalan ng dalawa.

Bagay na bagay daw kina Heart at Mark ang characterS nina Jodi at Cholo, na ginampanan nina Choi Ji-woo at Kwon Sang-woo, at naniniwala silang makakaya ng dalawa ang madadramang eksena ng K-novela.

Kaya lang, gustuhin man ng network na pagbigyan ang viewers, matatagalan pa, dahil after Luna Mystika, ginagawa ni Mark ang All About Eve at pagtakatapos nito, may kasunod na siyang project na bawal pang sabihin kung ano, basta maganda rin.

As for Heart, hindi pa namin alam ang next project niya sa Channel 7 dahil hindi siya natuloy sa Muling Buksan ang Puso na pagtatambalan sana nila ni Dennis Trillo at may gulo sa kontrata niya sa network.

* * *

MAY nag-forward sa amin ng picture nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na kuha sa taping ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang.

Iniba ang hitsura ng dalawa dahil on the run na sila sa mga pulis na naghahanap kay Proserfina (Marian), prime suspect sa pagkamatay ni Enrico (Ryan Eigenmann).

Naka-wig si Marian sa eksena at mukhang marumi si Dingdong sa suot na t-shirt at denim pants, may balbas at goatee.

Sa mataong lugar sa Quezon City kinunan ang mga eksenang mapapanood sa mga susunod na episode ng nobela ni Carlo Caparas at bukas, magugulat kayo sa bagong histura ni Homer.

Sa episode mamaya, give up na si Heleen (Angelu de Leon) kay Homer (Dingdong) at pakakawalan na niya ito.

Totoo kaya ito o kasama sa plano niya kina Homer at Proserfina?

* * *

LUMABAS sa 24 Oras si Robin Padilla para magpasalamat sa mga nanood sa pilot at second night ng Totoy Bato at sa magandang feedback na natanggap ng show.

Tama ang sinabi ni Regine Velasquez na parang pelikula ang pagkakadirek nina Mac Alejandre at Don Michael Perez sa action series dahil 'yun ang dating sa viewers ng two episodes na napanood.

Sabi ni Robin, patikim pa lang ang mga napanood at marami pang aabangan ang viewers. Marami silang inihanda sa 20 weeks na umeere ang Totoy Bato.

Isa rito ang paghaharap nila ni Manny Pacquiao, na paghaharap ng isang arnisador (si Robin) at boksingero (Manny).

* * *

BUKAS na, Friday, sa Market Market ang start ng series of shows ng Ayala Malls na talents ng ABS-CBN Star Magic ang mapapanood.

Hosts sina Nikki Gil, Maja Salvador at Rafael Rosell at performers ang Gigger Boys nina Enchong Dee, AJ Perez, Dino Imperial, Chris Gutierrez at Sam Concepcion at Jessy Mendiola, Lauren Young, Iabelle Abriera at Empress Schuck.

Other dates are on March 8, 5 p. m. , sa Pavilion Mart; Mar. 22, 4 p. m. , sa Metropoint; April 4, 6 p. m. , sa Alabang Town Center; Apr. 15, 6 p. m. , sa Trinoma at Apr. 18, 4 p. m. , sa Glorietta, kung saan may meet and greet with the stars at 5 p. m.

Source: People's Tonight