|
|
| Aktres,user-friendly! Valerie Concepcion, parang luka-luka!![]() Author: Jojo Gabinete NAGLABAS kahapon ng very short initial statement ang Star Magic tungkol sa mga balita ng nalalapit na paglipat ni Diether Ocampo sa GMA 7: “Diet remains in Star Magic. We trust he will make the right choice.” Base sa statement na natanggap ng mga entertainment columnist, hindi pa tiyak ang paglipat ni Diether sa GMA 7 at pinag-iisipan pa niya ang kanyang magiging desisyon. Ang statement ng isang aktres na business tycoon ito at hindi basta ordinaryong persona ang naging dahilan kaya iniwanan siya ng kanyang boyfriend na foreigner. Na-turn off ang lalake dahil napatunayan nito na mali ang pagkakakilala niya sa aktres, hindi ito humble at masyadong mataas ang tingin sa sarili. Dati-rati, halos sambahin ng lalake ang aktres. Ang kagandahan ng aktres ang kanyang bukambibig sa mga kaibigan niya. Hindi nagtaka ang common friends ng dalawa sa kinahinatnan ng kanilang relasyon. Sa umpisa pa lang, alam nila na hindi magtatagal ang love affair dahil parehong “user-friendly” ang aktres at ang boyfriend nito. Nakakahawa ang pagiging bungisngis ni Valerie Concepcion dahil tawa ito nang tawa sa presscon ng One Night Only (na parang luka-luka ba?). Kahit hindi nakakatawa ang tanong, tawa nang tawa si Valerie kaya natawa sa kanya ang mga reporter na dumalo. Sina Valerie, Katrina Halili, Alessandra de Rossi, Jennylyn Mercado at Diana Zubiri ang mga bida sa One Night Only. Na-miss ni Jennylyn ang masayang presscon dahil nagpunta siya sa Amerika pero hindi na-miss ng entertainment press ang kanyang absence. Ayaw ikumpara ng One Night Only Girls ang kanilang pelikula sa Desperadas, ang filmfest entry ng Regal Entertainment Inc. Hindi rin nila ikinumpara ang mga sarili sa Desperadas girls, sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Marian Rivera at Iza Calzado. Maganda ang billing ng mga pangalan ng One Night Only Girls. Hindi sila nagkaroon ng billing problem dahil pinag-aralan at inayos itong mabuti ng Octoarts Films. Iba ang kaso ng Desperadas. Hindi pa tapos ang shooting ng pelikula pero pinoproblema na ang billing ng mga pangalan ng mga lead actress nito. Inaasahan na ng mga producer ng pelikula na posibleng magkaroon ng billing problem ang mga artista nila. Binatang-binata na ang itsura ng dating sikat na Hollywood child actor na si Haley Joel Osment. Iniulat ng Associated Press ang Broadway debut ni Haley, isa siya sa mga bida ng revival ng American Buffalo ni David Mamet. Maagang nag-umpisa ang showbiz career ni Haley. Four years old siya nang maging artista. Si Haley ang gumanap na anak ni Tom Hanks sa Forrest Gump at naging Oscar nominee noong 11 years old siya para sa performance niya sa The Sixth Sense. Hangga't maaari, iniiwasan ni Haley na mapag-usapan ang pag-aresto sa kanya ng mga pulis noong July 2006. Hinuli siya dahil sa pagmamaneho habang lasing. Sa sobrang kalasingan, nabangga sa isang mailbox ang sasakyan na minamaneho ni Haley. Nakita rin sa kanyang pag-iingat ang marijuana. Mabilis na kumalat sa Internet ang kanyang mug shot. Pormal na ipinakilala kagabi ng mag-asawang Manny at Pie Calayan si Gina Pareno bilang bagong endorser ng Calayan Surgicenter. Tuwang-tuwa si Gina dahil endorser na siya ng beauty clinic ng mag-asawang doktor. Sa text message na ipinadala niya sa amin, ipinagmalaki ni Gina na magkakaroon siya ng mga billboard at si Raymond Isaac ang photographer ng kanyang mga litrato. Marami ang nagugulat kapag nakikita si Gina dahil malaki ang ipinayat nito. Apparently, may kinalaman ang Calayan Surgicenter kaya katawang-dalaga uli ang award-winning actress.
Source: Abante |