Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Alang-alang kay Geneva Cruz, KC Montero mananatili sa Pilipinas

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

MAGANDA ang trabahong nakuha ni KC Montero sa Pilipinas sa pagbabalik-bayan niya para mag-stay na rito for good. Kapiling pa niya rito ang kanyang one-and-only love na si Geneva Cruz at ang anak ni Geneva na si Heaven. Sa pagbabalik ni KC sa bansa, patunay lang na talagang nagmamahalan pa rin sila ni Geneva, na minsan ding pinagdudahan noon dahil naiwan pa si KC sa America nang bumalik sa 'Pinas si Geneva.

Nasa real estate business sa U. S. si KC with his parents.

Dahil recession sa Ame-rica ngayon at mahina ang bentahan ng house and lots kaya nang naka-receive siya ng magandang offer mula sa MTV Philippines bilang host ng music station at ng radio station ng MTV sa Pi-lipinas, ang U-92, ay 'di si-ya nagdalawang isip na tanggapin ang magandang project.

Na-meet namin si KC sa Dutdutan '09 na gina-nap sa A-Venue sa Makati Ave. Nandoon sa affair si KC, hindi dahil lalaban si-ya sa pagandahan ng tattoo sa katawan, kundi isa siya sa image models ng Tribu brand t-shirts and accessories. Ayon pa kay KC, dala-wang taon ang contract niya bilang radio and TV host ng MTV Philippines.

Pero, kapag tuluy-tuloy daw ito at walang aber-yang mangyayari ay gusto niyang mag-stay for good na sa bansa. Mahal niya ang Pilipinas at ang fans niyang patuloy na sumusuporta sa kanya.

* * *

AYAW pahuli ni Paolo Contis sa mga outfit ng mga taong ikinukuwento niya sa OC To The Max tuwing
Martes ng gabi.

Kaya super-sexy outfit ang suot niya sa show na bagay naman sa kanyang maskuladong pangangatawan.

* * *

HANEP sa katatawanan ang pelikulang Yaya & Angelina: The Spoiled Brat Movie dahil sa batuhan ng mga nakatatawang dialogues nina Michael V bilang yaya at Ogie Alcasid as An-gelina.

Punung-puno ng fans ng dalawa ang Cinema 10 ng SM Megamall kung saan ginanap ang premiere night ng Yaya and Angelina. Ibang klaseng comedy ang mapapanood sa pelikulang ito na pinagbibidahan din nina Iza Calzado, Jomari Yllana and Aiko Melendez.

Mayroong surprise guest star sa pelikula na ti-yak na ikakagulat ng mga manonood. Kami nga ay nagulat nang mapanood namin ang Yaya & Angelina sa premiere nito.

Sa interview namin kay Michael V, maaaring una at huling movie ito ng Spoiled Brat character nila ni Ogie dahil marami pa silang expe-riment characters na ginagawa nila sa gag show nilang Bubble Gang sa GMA7.

Ang Spoiled Brat cha-racter ni Ogie ay kuha sa ugali niya noong siya ay ba-ta pa spoiled brat daw tala-ga si Ogie noong bata pa ito, kuwento mismo ng kanyang mother.

Sinisira raw nito ang kanilang appliances sa bahay. Bunso si Ogie sa pamilya kaya napagbibigyan ang pagka-spoiled nito. Mabuti na lang daw at nagbago ang ugali ni Ogie nang lumaki na ito.

* * *

PAREHONG ayaw pa ring umamin nina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan sa tunay nilang relasyon. Basta sinasabi lang ni Ar-thur na special girl sa kanya at regular niyang idini-date si Rochelle. Aminado rin si-yang madalas niyang dalhan ng pagkain si Rochelle sa taping ng Daisy Siete. Pero, matagal nang balita ang panliligaw ni Arthur kay Ro-chelle.

Balitang two years ago pa naging mag-on ang dalawa. Kasi, mismong ang batang pamangkin ni Arthur na si Paul Salas, ang nagkuwento sa amin tungkol sa 'relasyon' ng dalawa.

In fairness kay Arthur nang makausap namin sa presscon ng Ikaw Sana, kung saan may important role siya, inamin niyang si Rochelle ang babaing napaka-close sa kanyang puso at kanya na nga itong ipinaki-lala sa kanyang mother bilang kanyang girlfriend.

Nagsimula nang napanood sa Kapuso network ang Ikaw Sana last Monday kapalit ng All My Life. Bida rito ang balik-tambalan nina Jennylyn Mercado at Mark Herras katrianggulo si Pauleen Luna.

Source: Taliba