Apr 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Alessandra, ayaw maging sentro ng pagnanasa!

Alessandra, ayaw maging sentro ng pagnanasa!

Author: Dondon Sermino
Column: Palaban 'To No!

DAPAT sana ay naikober na sa Maxim (Singapore) si Alessandra de Rossi noon. Pero, dahil naurong nang naurong ang playdate ng pelikulang The Maid sa Singapore, nagdesisyon ang publisher na sa loob na lang siya ilagay.

Pero, hindi malilimutan ni Alessandra ang pictorial niya para sa naturang magazine. Eh kasi nga, pinagsusuot daw siya ng panty at bra, lace at T-back, na halos luwa na ang katawan niya.

Pero siyempre, tumalak si Alessandra, kaya hindi siya napilit na isuot ang panty at bra, lace at T-back, na ayon sa deskripsiyon niya ay parang panty at bra na sinusuot ng mga porn stars.

"Sabi nila, model naman daw ako ng panty. Sabi ko, teens underwear ang sinusuot ko at hindi pang-pokpok, `no! So, wala silang nagawa. In-over power ko sila, dahil kailangan `yon. Baka apihin nila ako kapag nagpatalo ako sa kanila, eh, wala akong kakampi nu`ng time na `yon."

Say ni Alessandra, wala sa plano niya ang maging sentro ng pagnanasa ng mga lalake.

"Ayoko talagang maging sentro ng desire ng mga lalake. Kasalanan kasi ng babae `yon, eh. Kapag tinitingnan ka nila, nagkakasala sila. So, alam mo pala na magkakasala sila, bakit mo gagawin? Magiging cause ka ng kasalanan ng ibang tao, `di ba?" paliwanag ni Alessandra.

Pero, hindi naman niya kasalanan na ginawa siyang maganda at seksi ng Diyos, �di ba?

"Yes, nandoon na ako. Pero, hindi `yon para maghubad ako, `di ba?

"Iba ang pananaw ko sa pananaw ng ibang tao. Wala akong against sa mga babaeng naghuhubad, dahil ang sister ko nga, naghubad noon, `di ba? Pero ako kasi, may pinanghahawakan ako sa sarili ko na dapat ganito ang gawin ko.

"So, hindi niyo talaga ako makikita sa mga men�s magazine. May nag-offer sa akin noon, pero tinanggihan ko talaga. Kaya kong maghubad sa pambabaeng magazine, pero sa panglalakeng magazine, hindi ko kaya.

"Ayoko nu`ng pinagpapantasyahan ako ng mga lalake, `no! Although alam ko naman na hindi ako bastusin. Kapag nakikita naman nila ako, nagagandahan sila, pero hindi nila ako binabastos!" sabi pa ni Alessandra.

Siyanga pala, ang Solar Films ang magri-release ng The Maid sa Pilipinas. Ang The Maid ay mula sa direksiyon ni Kelvin Tong, at kasama sa pelikula sina Shy Cheng Chen, Hui Fang Hong at Benny Soh.

Source: Abante