|
|
| Alessandra denies role in Angel and Oyo break-upAuthor: Rommel Gonzales
Si Bing ay malapit na kaibigan ni Oyo. Sa isang interview ni Bing sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ay itinanggi nito na may namamagitan sa kanila ni Oyo bukod sa pagiging magkaibigan. Aniya, parang nakababatang kapatid lamang niya ang young actor. Si Kristine naman ay co-star ni Oyo sa Enteng Kabisote 3, pero alam naman ng lahat na masaya ang young actress sa piling ng boyfriend nitong si Diether Ocampo. Si Alex (palayaw ni Alessandra) ay dating girlfriend ni Oyo, pero nilinaw ng young actress na tapos na ang lahat sa kanila ng anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Bukod dito, matalik na kaibigan din daw niya si Angel, na nakasama niya sa Darna. Nakausap ng PEP si Alex sa cellphone noong Huwebes, January 4, at inamin nitong iniyakan niya ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa paghihiwalay nina Oyo at Angel. "Kasi kaibigan ko si Angel kaya umiyak talaga ako nung nalaman ko na isa raw ako sa mga dahilan kaya nag-break sila. Unfair yun, wala akong kinalaman dun," mariing sabi ni Alex. "As in, mahal na mahal ko si Angel. Kaibigan ko 'yung tao, kaya never mangyayari na aagawin ko si Oyo sa kanya. Never kong gagawin yun. "Wala akong image na nang-aagaw ako ng boyfriend ng may boyfriend. Yung ako ang naaagawan, yun ang image ko, ‘di ba?" depensa pa ni Alex, na kakahiwalay lang din sa boyfriend niyang si Jeremy Marquez. Samantala, nagpahayag na rin si Oyo ng kanyang side sa break-up nila ni Angel. Sa pamamagitan ng kanyang manager na si Malou Choa-Fagar, sinabi ni Oyo na wala raw third party sa break-up nila ng young actress. Ang totoong dahilan daw ay kawalan nila ng quality time together dahil sa kani-kanilang trabaho, lalo na sa part ni Angel na sunud-sunod ang projects. Source: Philippine Entertainment Portal |