|
|
| Alessandra grateful sa KapusoAuthor: Chan-Chan Torres Marami ang nabahala sa balitang nawalan ng malay si Ely Buendia sa reunion concert ng Eraserheads sa Bonifacio Global City, kamakailan. Paborito namin ang mga kanta ng E-heads, kaya nakikisimpatya rin kami sa mga taong malapit kay Ely na nag-aalala sa kanya. Ayon sa mga nakasaksi, sa umpisa pa lang ng concert ay napansin nang tila matamlay ang bokalista, pero sinikap pa rin nitong maibigay ang natitirang lakas niya. Supposedly, three-hour concert daw ang dapat sana'y itatagal ng palabas, pero nu'ng ika-walong kanta na, roon na nakitaan ng panghihina si Ely at bigla na lang daw itong napaupo at napatukod sa kanyang gitara. Napansin din ng ilang naroon na habang kumakanta raw si Ely ay parang kinakapos siya sa paghinga, ito na marahil ang simula ng pagsama ng pakiramdam nito. Nagkaroon ng tatlumpung-minutong break sa hiling na rin ni Ely, pero hindi na nagbago ang kundisyon nito. Doon na isinugod sa Makati Medical Center ang bokalista para mabigyan siya ng agarang lunas sa kakapusan ng paghinga nito. Matapos ng ilang sandali, inilipat na rin si Ely sa Philippine Heart Center para doon na siya susuriin ng mga doktor niya at magpagaling. Stress-related marahil ang naging ugat ng pagkawala ng malay ni Ely. Matatandaang isang taon na rin ang lumipas mula nu'ng ma- operahan sa puso si Ely. Angioplasty ang procedure na umano'y isinagawa sa bokalista. Nagbigay na rin ng pahayag ang asawa ni Ely na si Diane Ventura, at sinabi nitong wala na raw dapat na ipag-alala ang fans, bagama't under observation pa ito ay stable na ang kundisyon ni Ely. Sana ay tuluy-tuloy na ang paggaling ng Eraserheads vocalist. * * * Dahil sa paglipat ni Alessandra de Rossi sa Dos, patuloy ang usapin tungkol sa aktres na siya'y ingrata at wala raw utang na loob. Sa tingin namin ay unfair naman ito para kay Alex. Sa presscon ng I Love Betty La Fea, mariing sinasabi ni Alex na hinding-hindi niya, makakalimutan ang pagi-ging Kapuso niya. "Walong taon din 'yun. Marami akong kaibigan doon, at hindi nagwakas ang friendship ko with them sa pagbabalik ko uli rito sa ABS-CBN. It's just that tapos na akong mag-high school, gusto ko namang mag-college," sabi pa ni Alex tungkol sa pagiging Kapamilya nitong muli. Sa aming opinion, hindi tama na sabihin ng ilan na ingrata at traidor si Alex dahil lamang sa tinanggap niya ang offer ng Dos. Common sense, 'pag wala ka ng trabaho, siyempre karapatan mong humanap ng ibang mapag-kakakitaan, di ba? At kung may oportunidad, then go for it. Ganoon lang 'yun ka-simple. Abangan si Alex sa I Love Betty La Fea (nga-yong September 8 sa primetime bida), at sinigurado ni Direk Erick Salud na hindi siya basta isang dekoras-yon lamang doon. * * * Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Mickey Ferriols na isang araw ay ma-tutuloy din ang kasal nila ni Archie Alemania. Hindi na nag-inarte si Mickey nu'ng makausap namin sa set ng Dyosa at sinabi nitong pangarap din daw niyang makasal kay Archie. Hindi sa kung anuman. Ito'y para na rin sa kanyang pansariling seguridad. Kaya lang, sa 'di malamang dahilan, nauurong lagi ang kasal nila. Pero nilinaw ni Mickey, never naging issue sa kanila ni Archie ang pera o kung sino ang may trabaho sa kanilang dalawa. "Ano lang, individual differences talaga. Pero kahit kai-lan, hindi naging issue sa amin ang pera gaya ng mga balitang lumalabas. " Ni hindi rin daw issue kay Archie kung mataba siya o payat siya. Hindi rin ipinagkaila ni Mickey na hanggang nga-yon ay mas appealing pa rin daw kay Archie ang gimik, at ang buhay -binata. Emosyonal man, ay umaasa si Mickey na isang araw magbabago rin si Archie at mas maging dedicated na ito bilang isang family man. Source: Taliba |