|
|
| Alessandra, tinalbugan sina Katrina, Diana at Jennylyn!![]() Author: Ruel Mendoza SI Alessandra de Rossi nga ang unanimous choice ng mga barako sa pelikulang One Night Only, na type nilang ikama, kung mabibigyan sila ng pagkakataon. Siyempre, gulat na gulat si Alex, dahil mas pinili pa raw ang alindog niya kesa sa mga co-stars niyang mas sexy sa kanya at naglalakihan ang mga boobs na tulad nina Diana Zubiri, Katrina Halili, Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion. “Para naman ang haba-haba ng hair ko! Ha! Ha! Ha! Ha!” humahalakhak na say ni Alex. “Akala ko nga wala na akong pag-asa kasi unang-una, flat-chested ako. Wala akong laban sa mga co-stars ko na pansinin talaga ang mga boobs. “Eh wala naman akong balak na magpalaki pa ng boobs kasi okey naman ang takbo ng career ko. At saka, baka hindi bumagay sa akin at lait-laitin pa ako! Ha! Ha! Ha! Ha! “Kaya okey na ako sa ganitong size.” Si Paolo Contis nga ang kaeksena niya sa pelikulang One Night Only. Pa-inosenteng virgin nga ang role ni Alex na inakala ni Paolo ay walang alam sa sex. Noong maipasok niya sa motel ay mas marami pa palang alam sa kanya. “Oo nga, natawa lang naman ako pero birhen pa ako, 'no! Itanong n'yo pa sa mommy ko! Ha! Ha! Ha! Ha!” Eh ano ba sa tingin ni Alex ang dahilan kung bakit mas pinili siya ng mga lalake, kahit sa tingin niya ay hindi naman siya kaseksihan? “Siguro 'yung pagiging madaldal ko. Matsika kasi ako, 'di ba? At saka, prangka akong tao. Hindi ako pa-sweet o pa-cute. Kapag may ginawang hindi maganda ang guy, sinasabi ko agad. “Hindi ako nagpapakipot o nagpaparamdam lang, sinasabi ko ng diretso. Kaya siguro gusto nila ang prangkang babae para hindi na sila nanghuhula kung ano ang nasa utak ng girl, 'di ba? “Pero I can also be very sweet kung karelasyon kita. Matapang man akong tingnan pero may malambot akong puso. Hindi ako pusong bato. Marunong akong magmahal,” sabi na lang ni Alex. Source: Abante |