Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Alessandra, type pumatol sa DOM?

Alessandra, type pumatol sa DOM?

Author: Rey Pumaloy

Mayamang lalaki o isang prinsipe ang hinahanap ni Alessandra de Rossi para mapa­ngasawa niya. Sabi ni Alex, dapat ay handa siyang buhayin at bayaran ang bahay na tinitirhan ngayon ng kanyang mga magulang sa Italy.

At kapag nakilala na raw niya ang naturang lalaki, handa raw siyang magpakasal agad, at tumira sila sa ibang bansa, na gugustuhin ng naturang lalaki.

Pero, paano kaya kung DOM o matandang lalaki na mayaman ang lumapit sa kanya? Patulan din kaya `yon ni Alessandra?

“Huwag naman. Sana `yung halos kasing-age ko lang,” sabi ni Alex.

Anyway, prangkahang sinabi ni Alessandra, hindi niya nakikita ang sarili na magtatagal sa Pilipinas. Inamin ni Alex na ilang beses na niyang plinano na mag-quit sa showbiz.

“Ang dami ko kasing gustong gawin. Masyadong maliit ang Pilipinas para sa akin. Dito kasi, kapag hindi ka maputi, hindi ka sisikat. Kapag hindi ka kakanta ng love song, hindi ka maiku-consi­der na singer.

“Kapag modelo ka naman, walang pera!

“Sa abroad maraming opportunity. Kahit hindi ka maputi, panalo ka!

“Actually, nag-iisip na ako ngayon ng mga ganyang bagay. Ang problema lang hindi ko alam kung saan ako magsisimula. “Willing naman ako, pero siyempre dapat alam ko kung saan ako magsisimula at kung paano ako magsisimula,” sabi ni Alex.

Plano ni Alex na mag-full blast sa pagkanta sa susunod na taon.

Magpuprodyus raw siya ng album niya.

Anyway, kasama si Alex sa movie na One Night Only, na bida rin sina Katrina Halili, Diana Zubiri, Jennylyn Mercado, at Valerie Concepcion.

Source: Abante