Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Alfred Vargas spent holidays in Palawan with non-showbiz girlfriend

"I took a vacation with her sa Palawan noong December. Sa Club Paradise kami nag-New Year. I was there for two weeks and it was the best two weeks of my life. Ngayon ay nasa Italy na siya ulit and she will be back in June. Hopefully, dito na siya mag-stay

Author: Ruel Mendoza


Inamin ng aktor na si Alfred Vargas na may plano rin siyang tumakbo for public office sa 2010. Ang pagiging konsehal ng second district ng Quezon City ang kanyang puntirya at mukhang desidido na si Alfred sa balak niyang ito.

Matagal na raw na may nag-iimbita kay Alfred na tumakbo sa pulitika. Sa probinsiya pa raw nila sa Bulacan ay may mga naghihikayat na sa kanya. Pero mas pinili ni Alfred ang tumakbo sa Quezon City dahil nandoon nga naman ang trabaho niya at mas madali siyang makakakuha ng suporta sa kanyang planong pagtakbo sa 2010.

"More on public service talaga ang rason ko for running. Marami tayong changes na gustong mangyari, pero we don't get it enough from the people na nakaupo ngayon. So why not do it yourself, di ba? Kung may alam kang solusyon na makakatulong sa marami, okey 'yon.

"But, of course, entering politics is not that easy din. Kailangan may knowledge din ako kahit papa'no sa maraming bagay. I have people to help me get into it. May mga pag-aaralan ako tungkol diyan. I know na may mga kukuwestiyon sa gusto kong ito and I welcome their comments and suggestions naman. Makakatulong ang mga positive and negative feedbacks sa akin," saad ni Alfred sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kaya ngayon pa lang daw ay ratsada na sa trabaho si Alfred dahil kung matuloy ang mga plano niya sa 2010 ay kailangan na niyang paghandaan ang gagawin niyang kampanya.

Mabuti na lang at dalawa ang pelikula niyang magkasunod na ipalalabas. Una ay ang Status: Single with Rufa Mae Quinto under Viva Films and On-Q-28, at ang pangalawa ay ang When I Met U ng GMA Films with Richard Gutierrez and KC Concepcion.

Makakasama rin si Alfred sa GMA-7 primetime soap na All About Eve with Sunshine Dizon and Iza Calzado. Huling napanood si Alfred sa Dyesebel at Una Kang Naging Akin noong 2008.

May inaasikaso ring negosyo si Alfred at ito ay ang kanyang Makulay Farms na matatagpuan sa San Miguel, Bulacan. Nagsu-supply si Alfred ng mga semi-organic vegetables sa mga supermarket at iba't ibang palengke sa Metro Manila.

ALFRED'S NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Hindi rin naman nakakalimutan ni Alfred ang kanyang personal na buhay. May non-showbiz girlfriend siya na nagngangalang Yasmine, an Italian-Filipino na naka-base sa Milan, Italy. Nag-aaral si Yasmine ng Fine Arts and by June this year ay matatapos na siya sa kanyang kurso. Malamang na dito na raw siya sa Pilipinas titira at magtatrabaho.

Ang naturang girl ang naging dahilan kung bakit nagbakasyon si Alfred sa Palawan last December.

"I met Yasmine last year in Laguna," banggit ng aktor. "Kasama niya ang family at relatives niya. Para akong tinamaan ni Kupido noong mag-meet kami!

"I took a vacation with her sa Palawan noong December. Sa Club Paradise kami nag-New Year. I was there for two weeks and it was the best two weeks of my life. Ngayon ay nasa Italy na siya ulit and she will be back in June. Hopefully, dito na siya mag-stay para mas magkasama kami parati."

Jana Roxas. Pinabulaanan naman ni Alfred ang tungkol sa kanila ng StarStruck 3 Avenger na si Jana Roxas. Natsismis kasing may relasyon sila noong maging mainstay si Jana sa NUTS Entertainment last year.

Paliwanag ni Alfred, "Naging close lang kami ni Jana because most of the games na ginagawa namin for the show ay magkakampi kami. Nahihiya nga ako kay Jana kasi parati na lang akong tinatanong about her. There's nothing naman to admit or deny, kasi hindi naman naging kami. Ang alam ko ay may boyfriend si Jana.

"Nagkausap nga kami ni Jana at nahihiya rin daw siya sa akin because of the rumor. Sinabi ko naman na okey lang 'yon. Ganito talaga ang showbiz. Kailangan ay masanay siya kasi ako, sanay na sanay na."

Rufa Mae Quinto. Sa isang interview naman ni Rufa Mae Quinto ay napaamin ito na muntik na silang nagkaroon ng relasyon noong ginagawa nila ang Marinara sa GMA-7. Iyon ang first primetime show ni Alfred at inamin naman niyang naging close talaga sila ni Rufa Mae.

"Well, nanggaling na rin naman kay P-Chi at naikuwento ko na rin 'yon before. It's true na muntik na kaming magkaroon ng relationship. Naging very close kami noon ni P-Chi kasi parati kaming may mga eksena noon sa Marinara. Mabait kasi siyang tao at napakalambing. And she makes me laugh talaga. That was my first show sa GMA-7 kaya naging very supportive siya sa akin.

"Yun nga lang, hindi talaga puwedeng maging kami that time kasi may mga magiging problema. So we ended up as friends na lang. Up to now naman, close pa rin kami ni P-Chi. Last year nagkasama kami sa Dyesebel, tapos nag-shoot ako for Status: Single. I did the movie because of Rufa Mae. Ganyan siya kaimportante sa akin talaga," pagtatapos ni Alfred.

Source: Philippine Entertainment Portal