|
|
| Alfred, nasabik kay Diana Happy birthday, Ka Alfie!![]() Author: Jojo Gabinete HINDI nagpaunlak si Phillip Salvador na magpainterbyu sa mga showbiz-oriented talk show tungkol sa kaso nila ng Everlasting Bus driver na si Michael Baino dahil sa kasunduan na hindi muna sila magsasalita. May twist ang kuwento. Hindi nga nagsalita sina Phillip at Michael, pero nagpainterbyu naman si Mandaluyong City Senior Superintendent Carlos De Sagun at ikinuwento niya sa media ang full details ng pag-uusap ng dalawa sa kanyang opisina noong Biyernes ng umaga. Ibinalita ni De Sagun sa mga reporter na nagyakapan at nagkapatawaran sina Phillip at Michael. Idinagdag pa niya na magtatrabaho na si Michael bilang family driver ng aktor dahil naawa ito sa kalagayan ng tsuper. Na pumirma na si Michael ng affidavit of desistance kaya hindi na matutuloy ang unjust vexation at physical injuries cases na isasampa sana niya laban sa aktor. Puwede na talagang hindi magpainterbyu sina Phillip at Michael dahil nasabi na ni De Sagun sa media ang kanilang mga dapat sabihin. Na-out scoop ni De Sagun ang staff ng mga showbiz-oriented talk show.*** For the record, hindi pa kinukuha ni Phillip na family driver si Baino, pero totoo na nag-apologize ito sa inasal niya sa traffic altercation nila ng aktor sa Edsa (Boni Avenue area) noong Miyerkules, January 21, 2009. Naawa si Phillip kay Baino dahil nalaman niya na maliit lang ang kinikita ng tsuper at P18,000 ang monthly quota na nire-require ng management ng bus company sa kanilang mga driver. Three hundred pesos at hindi P400 ang kinikita ni Baino sa maghapon na pagmamaneho ng pampasaherong bus. May mga nagsusulsol kay Baino na ituloy ang demanda laban kay Phillip dahil malaking pera raw ang kanyang matatanggap pero pinairal niya ang pagiging Kristiyano. Hindi nakinig si Baino sa mga sulsol. Mas pinili niya na patawarin si Phillip na inihingi rin ng kapatawaran ang pananakit na kanyang ginawa.*** Star-studded ang Dinagyang Festival ng Iloilo City dahil kaliwa't kanan ang mga entertainment show. Naroroon kahapon sina Dingdong Dantes, Parokya ni Edgar at Cesar Montano para sa Touch Mobile event. Nakasabay namin sa eroplano ang mga member ng mga banda ng Calla Lily, Kamikazee at ang grupo ni Rico Blanco. Noong Sabado, nagkaroon ng show sa SM Parking lot ang Streetboys at si Vhong Navarro. Nakasabay namin ni Diana Zubiri sa NAIA 3 airport si Alfred Vargas na papunta sa Pagadian City. Magkaibigan sina Diana at Alfred. Matagal na silang hindi nagkikita kaya tuwang-tuwa si Alfred sa kanilang chance encounter. “Pa-hug naman,” ang mistulang sabik na naglalambing na sabi ni Alfred kay Diana nang magpang-abot sila sa departure lounge ng airport at 'yon ang eksena na nakita ng ibang mga pasahero.*** Ngayon ang Chinese New Year at ang pag-uumpisa ng Year of the Ox. Ngayon din ang kaarawan ng mga Abante columnist na sina Alfie Lorenzo at Gorgy Rula. Umuwi si Gorgy sa Roxas City para i-celebrate ang birthday sa piling ng kanyang pamilya at isang party para kay Ka Alfie ang handog sa kanya ni Mrs. Lily Monteverde ng Regal Entertainment Films. Tumatanaw ng malaking utang na loob sa isa't isa sina Mother Lily at Ka Alfie na isa sa mga original publicist ng Regal Films noong nag-uumpisa pa lamang ito. Hindi makatanggi si Ka Alfie kapag naglalambing sa kanya si Mother Lily na magbigay siya ng malaking discount sa talent fee ni Judy Ann Santos sa mga pelikula na ginagawa nito sa bakuran ng Regal Entertainment Inc. Source: Abante |