|
|
| Alindog ni Danielle, napansin sa Ms. World '08! Character actress, selos na selos sa baguhang aktres!![]() Author: Jojo Gabinete BIKTIMA harassment ang isang baguhang aktres dahil sa friendship nila ng aktor na ex-boyfriend ng character actress. Muntik nang pumunta sa police station ang baguhang aktres para ipa-blotter ang mga pananakot ng character actress pero pinigilan siya ng mga kaibigan na nagmamalasakit sa kanya. Pinagseselosan ng character actress ang newcomer. Nagagalit siya kapag nababalitaan niya na magkasama ang kanyang ex-boyfriend at ang baguhang aktres. Katulong ni character actress sa pananakot sa baguhang aktres ang kanyang mga alalay. Kung itinuloy ng newcomer ang pagsusumbong sa pulis, siguradong pag-uusapan siya dahil malakas ang kanyang loob na makipagbanggaan sa character actress. Palaban at matapang ang baguhang actress dahil walang katotohanan ang mga paratang sa kanya ng character actress. Magkaibigan lamang sila ng ex-boyfriend ng selosang character actress.*** Ang balita na buntis uli si Angelina Jolie sa pang-apat na anak nila ni Brad Pitt ang headline ng US entertainment news. Pinagpipistahan ang balita dahil kasisilang lamang ni Angelina sa kambal na anak nila ni Brad noong July 12 at 2 years old pa lang si Shiloh, ang kanilang panganay. Bukod sa tatlong tunay na anak, tatlo rin ang adopted children nina Angelina at Brad. Ibinalita sa amin ni Joseph Gelito na matutuloy na ang na-postpone na concert nila ni Nora Aunor sa Los Angeles, pero itatanghal ito sa bagong venue. “Sa Iyo Pa Rin” ang pamagat ng show at gaganapin ito sa Redondo Beach Performing Arts Center sa January 10, 2009. Nabanggit ni Joseph na pumayat si Nora kaya nagmukhang bata ang aktres. May offer kay Nora na mag-concert sa Canada sa February 2009. Gusto ni Nora na isama si Joseph sa kanyang show sa Canada, pero tumanggi ang mahusay na singer at stand-up comedian dahil may conflict sa kanyang schedule.*** Naka-post sa Multiply account ni Francis Magalona ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nagdarasal sa kalagayan niya. Ibinalita rin ni Francis na tapos na ang kanyang chemotherapy session: “My gruelling-wanna-vomit-superPAIN-everydayFEVER-Hi dosage Chemotherapy is over. I am feverless for 48 hours now. Pray I get a MATCH for my BONE MARROW TRANSPLANT soon from one of my siblings. Thank you for your prayers. God bless you all. I love you all.*** Finalist si Danielle Kirsten Castano sa Miss World Beach Beauty Fast Track Event ng 2008 Miss World Contest. Hindi man pinalad na manalo si Danielle, napansin ng mga judge ang kanyang Filipina beauty. Si Danielle ang Philippine bet sa 58th Miss World Contest na gaganapin sa December 13 sa Johannesburg, South Africa. Sampu ang finalists sa Miss World Beach Beauty at ang Mexico delegate na si Espinoza Anagabriela ang nanalo sa unang fast track event. “I was so nervous up there and so surprised when my name was called out as the winner,” ang pahayag ni Espinosa. “This has been a fantastic experience in such a wonderful setting, I am sure my friends and family back home are singing in the streets. I can't wait for the final to see if I can win.” Source: Abante |