|
|
| Alindog ni Katrina, nakamamatay! Bea, kinahuhumalingan na ni John Lloyd!![]() Author: Abante Ayaw sabihin ni Ricky Davao kung namatay ang karakter niya sa isang eksena nila ni Katrina Halili sa One Night Only, na kung saan ay gumaganap siya bilang pulitiko, na ginawang kabit si Katrina. Basta sabi ni Ricky, may matinding eksena sila, na ikatatawa nang husto ng mga fans. At ang duda ko, inatake siya kunyari, habang nagsisiping sila ni Katrina. Anyway, reaksiyon ng isang aktor na atat na atat kay Katrina, nakamamatay naman talaga ang alindog ng dalaga. Eh, sa kurba pa lang daw ng katawan ni Katrina, kahit nakadamit pa, parang kakapusin na raw siya ng hininga. Anyway, sabi ni Katrina, bagama't hindi siya tuluyang naghubo sa One Night Only ng OctoArts Films, sigurado raw na aatakihin pa rin ng init ng katawan ang mga manonood na barako, lalo na at hindi lang siya ang nagpasilip ng alindog, kundi pati na sina Jennylyn Mercado, Alessandra de Rossi, Valerie Concepcion, at Diana Zubiri. Sa pictorial pa lang daw na ginawa nila, na kumot na puti lang ang itinabing sa kanilang katawan, sulit na sulit na raw ang lahat. Hindi totoo na naagaw na ni Sarah Geronimo si John Lloyd Cruz kay Bea Alonzo. Bakit? Well, sa sina Bea at John Lloyd pa rin kasi ang nanalo sa kategoryang Pop Love Team Award sa Pop Viewers Choice Awards na ginanap sa ASAP '08 last Sunday. At hindi kataka-taka, dahil patuloy na tinututukan ng maraming fans ang I Love Betty La Fea na bida silang dalawa sa ABS-CBN. At lalong kinikilig ang mga fans ngayon, dahil kung dati ay si Betty (Bea) lang ang nahuhumaling kay Armando (John Lloyd), ngayon ay mutual na ang nararamdaman nila sa isa't isa. Nahulog na nga ang loob ng babaerong boss ni Betty sa kanya. Naku, lumago pa kaya nang husto ang pagmamahalan ng dalawa sa I Love Betty La Fea? Source: Abante |