Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Alindog ni Rochelle, pinaglalawayan!

Alindog ni Rochelle, pinaglalawayan!

Author: Ruel Mendoza

MANLILIGAW at hindi pa raw boyfriend ni Rochelle Pangilinan ang pinsan ni Dingdong Dantes na si Arthur Solinap.

“Nagsimula kami ni Arthur bilang magkaibigan. Kasi nga naging partner ko siya sa Daisy Siete nang ilang beses din. Minsan lumalabas kami pero kasama ang ibang Sexbomb. Hanggang sa dumating na ang time na kaming dalawa na lang.

“Wala naman akong nakikitang masama kasi binata naman si Arthur at dalagang Filipina ako. Kaya match kami. Tisoy siya at morena ako. Para kaming kape't gatas! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang pag-amin ni Rochelle.

Maalaga nga raw si Arthur sa kanya lalo na tuwing may taping sila ng Daisy Siete. Pinadadalhan pa raw siya nito ng pagkain.

“Ako rin naman may dala ring pagkain para sa kanya. Alam na kasi naming dalawa ang hilig na­ming kainin. Tulad ko, isda at gulay ang gusto ko. Si Arthur, mahilig naman siya sa mga karne pero nag-iisda rin siya kasi nga nagwu-work out siya.

“Si Arthur, ever since naman malam­bing siya. Minsan nga tahimik lang 'yan. Nahihiya magsalita. Ako itong madaldal at maingay.

“Magkaiba kami pati sa kilos. Kung sino pa ang lalake, siya pa 'yung parang conservative. Ako pa itong makulit na makulit! Natatawa na lang si Arthur sa akin kasi ang gulu-gulo ko!

“Pero, hindi ko pa nga siya boyfriend. Nanliligaw pa lang siya. Iba na kasi kapag sinabing boyfriend. May commitment na. Ang hirap kasi magkasama kami sa work. Hindi ako sanay na may karelasyon ka na kasama sa trabaho. Parang nawi-weirduhan ako.

“Okey sana kung hindi kami magkasama sa Daisy Siete. Keri ko 'yon. Eh hanggang magkasama kami sa iisang show, mahirap magkaroon ng commitment. Hindi sa ayaw ko kundi baka magkaroon kami ng problema, maapektuhan pa ang trabaho namin.”

Baka naman iniisip lang ni Rochella na magselos si Arthur dahil may bago itong leading man sa Daisy Siete na si Kurt Dreo. Kasing tangkad at kasing guwapo rin kasi ito ni Arthur.

“Uy hindi naman! Pero okey lang na ma-link! Ha! Ha! Ha! Ha! “Ito naman ang trabaho ko, 'di ba? Ma-link sa kung sino ang ka-partner ko sa show! Ha! Ha! Ha! Ha!” ha­lakhak niya.

Kaya ba sobrang nagpapa-sexy siya ngayon dahil inspired siyang magpa-sexy dahil alam niyang may lala­keng naglalaway sa alindog niya?

“Ano ba 'yan?! Alindog talaga?

“Alaga naman ako sa katawan ko. Bawal sa Sexbomb ang tumaba.

Masasabi ko rin na inspired ako kasi maalaga rin si Arthur sa katawan niya. Hanga ako sa disiplina niya sa katawan.”

Sexy ba para sa kanya si Arthur?

“Oo naman! Lahat ng lalakeng maalaga sa katawan at mabait, sexy para sa akin,” sabi na lang ni Rochelle, na bida ulit sa Daisy Siete: Season 23 (Chacha Muchacha).

Source: Abante