|
|
| Alitang Annabele Rama at Wilma Galvante mauuwi sa demandahan?Author: Ian F. Farinas HINDI sa pag-uusap at pag-aayos ng mga magulang ni Heart Evangelista at ni GMA Network big boss Atty. Felipe Gozon nagtatapos ang kabuntot na "alitan" sa pagitan ng co-manager nitong si Annabelle Rama at ng SVP for Entertainment TV ng Siyete na si Wilma Galvante. Umuusok pa rin sa galit si Tita Annabelle nang makausap namin sa Imperial Palace Suites nu'ng Miyerkules ng gabi dahil sa notice na natanggap nu'ng araw ding 'yon mula kay Dick Perez, VP for Legal Affairs ng Kapuso channel. Hindi na ang kaso ni Heart ang laman ng sulat, kundi ang sa isa pa niyang alaga, si JC de Vera, at ang pagtanggi ni Tita Annabelle na gawin nito ang Obra. Hindi naniniwala si Tita Annabelle na walang kinalaman si Wilma sa pagpapadala ni Perez ng sulat sa kanya at kay JC. Kaya naman kahit maga pa ang mukha dahil sa pagpapa-implant ng ngipin, hindi nagpigil ang ina nina Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez sa pagbulalas ng kinikimkim na sama ng loob kay Wilma. Aniya, hindi siya ang nakikipag-away, pero hindi rin siya makikipag-ayos dito. Nananahimik daw siya sa bahay nang tawagan ng umiiyak na si JC dahil nga "na-gang-up" sa kuwarto ni Wilma matapos ang story conference ng Obra. Isang tumataginting na "No way!" ang pinakawalan ni Tita Annabelle nang biruin ng press na sooner or later ay magkakaayos din sila ng tinatawag niyang "devil woman" gaya nang magkatampuhan sila dahil sa pagtatapat ng Marian Rivera-Dingdong Dantes birthday concert sa Araneta Coliseum at premiere night ng For the First Time nina Richard at KC Concepcion kamakailan. Para kay Tita Annabelle, napaka-"one-sided" ng laman ng GMA-7 letter na natanggap. Ayon kasi rito, walang karapatan si JC o si Tita Annabelle, bilang manager nito, na mamili ng makakatrabahong artista. "Saan ka naman nakakita ng ganu'n, 'Day, na hindi ka puwedeng tumanggi sa project?" hinaing pa ng talent manager. Hindi raw niya maintindihan kung bakit laging ipinagpipilitan ni Wilma na isaksak sa mga proyekto si Marvin. Gaya na lang daw sa Zorro. Ang gusto ng TV lady exec ay i-cast ito bilang kontrabida ni Richard. Pero, tumanggi si Tita Annabelle dahil hindi umano kapani-paniwala na kakayanin ng isang mas mababang Marvin ang pakikipaglaban sa 'di hamak na mas matangkad na si Richard. Depensa raw ni Wilma, hindi problema ang height ni Marvin dahil madalas sa hindi'y nakasakay ito sa kabayo. "Hindi talaga ako pumayag, 'Day! Baka isang tulak lang sa kanya ni Chard, tumba na siya, 'no!" iritadang dialogue pa ng 'Monster Mom' na, incidentally, ay malapit na ring magsimula ng shooting sa sequel ng Regal Entertainment movie na earmarked for a Mother's Day release ngayong taon. Si Marvin din daw sana ang type na i-cast ng GMA sa papel ng boyfriend ni KC sa second film outing nito with Richard na When I Met U. Kaso, "binaril" din ni Tita Annabelle ang ideya, kaya napunta kay Alfred Vargas ang role. "Sabi ko sa kanila, sino ba naman ang maniniwalang mai-in-love si KC sa kagaya ni Marvin at pagseselosan pa ni Chard?" wika pa ni Bisaya. Anyway, may kinonsulta raw na fiscal si Tita Annabelle tungkol sa kaso ni JC at sinabi nitong puwede nilang kasuhan ang GMA-7 dahil dito. Nakakuha ng kopya ng "kontrobersyal" na liham ang People's Tonight at ito ang nilalaman nu'n: "This pertains to your refusal to have your talent JC de Vera appear in the program Obra which was assigned to him by GMA. "We are informed that you refused the program on the ground that you do not want Mr. de Vera to work with Marvin Agustin. "It is the obligation of your talent under his agreement with GMA ('Agreement') to 'attend the production of the program/s assigned by GMA for the duration of the agreement' (Agreement, Clause 2. 2). "Your refusal of the Obra role for Mr. De Vera is a violation of said provision. It is GMA's right to assign programs to Mr. De Vera and to determine the programs to be assigned to him. "The agreement, furthermore, does not give the talent or his manager the right to choose his co-star or co-stars. The right exclusively belongs to GMA as producer of the program. "We hereby give notice that we fully reserve our right to avail appropriate remedies under the agreement. " Ang tanong, posible kayang isa sa remedies na nakasaad sa GMA-7 notice ang pagsasampa rin ng kaso laban kina JC at Tita Annabelle 'pag hindi ito naayos? 'Yan ang dapat nating abangan. Source: People's Tonight |