|
|
| Aljur Abrenica admits getting indecent proposal from a rich gay![]() Author: Rommel Gonzales Hindi na bago sa showbiz ang balitang indecent proposals sa young male stars mula sa mayayamang bading. At isa sa aminadong nakatanggap ng ganito ay ang isa sa pinakamainit na young actors ng Kapuso network ngayon, si Aljur Abrenica. Ayon sa kanya, nasa Zaido: Pulis Pangkalawakan pa siya noon nang nakatanggap siya ng indecent proposal mula sa isang mayamang bading. Hindi pinangalanan ni Aljur kung sino ito. Pero ayon sa kanya, nakilala niya ang naturang rich gay dahil nagpakilala ito sa kanya at nakipagkaibigan. Isang brand brand new CRV na sasakyan ang ino-offer kay Aljur ng naturang bading. Una raw ay ang ama ng binata ang kinausap nito. "Mayaman siya. Basta't nakilala ko lang siya. Kinausap ang dad ko. Sa dad ko pa lang, hindi na siya umubra," umpisang kuwento ni Aljur sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Kaya ang ginawa raw ng rich gay ay si Aljur na mismo ang kinausap nito. "Nung ako na ang kinausap, diniretso ako, na bibigyan daw niya ako ng sasakyan. Sabi ko, ayoko, ayoko talaga. Hindi ko naman diniretso na ayoko... Sabi ko, 'Pasensiya na, hindi ko matatanggap kasi napakalaking bagay niyan,'" kuwento ng StarStruck 4 Ultimate Hunk. Pero nilinaw ni Aljur na hindi naman siya dinirestong sinabihan ng gay na gusto siyang maging lover nito. "Pero siyempre, para bigyan ako ng kotse, ganun na ang ibig sabihin nun. Sabi ko sa kanya, hanggang kaibigan lang talaga ako sa ganun," sabi ng young actor. Ayon kay Aljur, kaya naman niyang bumili ng sasakyan. In fact, nakabili na nga siya ng sarili niyang kotse, isang Fortuner, na hinuhulugan niya from his earnings sa mga raket niya sa showbiz. Napapanood regularly si Aljur sa afternoon soap na Dapat Ka Bang Mahalin? kasama si Kris Bernal. Source: Philippine Entertainment Portal |