Aljur, Kris primetime bida naAuthor: Tempo Column: Timing EXTRA-CHALLENGE kina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang 'All My Life,' bago nilang teleserye sa GMA-7 na mapapanood on June 29. Bilang tugon sa kahilingan ng maraming televiewers, mapapanood na sa prime time block ang Royal Couple ng Daytime Drama. First drama series nila ito na magpapakilig sa televiewers gabi-gabi. Record-breaking ang katatapos na afternoon drama nina Aljur at Kris, ang 'Dapat Ka Bang Mahalin?' na nakapagtala ng pinakamataas na 32% overnight ratings among the afternoon drama series based sa AGB Nielsen Media Philippines. Madalas ito magtala ng 30% overnight ratings.
Ngayong primetime bida na sina Aljur at Kris, anila, mas malaki ang pressure pero gagawin daw nila ang kanilang makakaya para hindi mabigo ang expectations ng mga taong nagtitiwala sa kanila. Nagpapasalamat sila sa GMA sa tiwala at pagbibigay ng pagkakataong maging bida sila sa 'AML.' Produkto ng 'Starstruck 4' sina Aljur at Kris kung saan tinanghal na Starstruck Ultimate Hunk si Aljur, at Starstruck Ultimate Love Team sina Kris at Mart Escudero. Unang napanood sina Aljur at Kris sa 'Boys Next Door' kasama ang iba pang 'SS4' members. Sumunod ang 'Zaido: Pulis Pangkalawakan,' 'Dyesebel,' 'Luna Mystika' at 'Dear Friend.' Mainstays sila sa 'SOP' every Sunday. Source: Tempo |