Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Aljur at Kris, feeling sikat na sikat na?

Aljur at Kris, feeling sikat na sikat na?

Author: Abante

MAS lalong ginanahan ang GMA 7 na ilabas agad ang bagong telenovela nina Kris Bernal at Aljur Abrenica, dahil sa nakita nilang reaction ng mga tao sa Araneta Coliseum sa dalawa.

Bongga, dahil nu'ng tinawag ang pangalan nina Aljur at Kris, malakas na tilian at palakpakan ang ibini­gay ng mga nanonood.

Bukod sa tambalan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, ang love team nga nina Kris at Aljur ang pinakatinitilian ng mga fans ngayon.

Anyway, ang All My Life nga ang bagong project nina Aljur at Kris, at pang-primetime na ito ngayon. At sana nga, madala nina Aljur at Kris sa primetime ang mga nanood sa kanila sa Sine Novela presents Dapat Ka Bang Mahalin, na humamig nga ng all-time high 32% overnight rating sa panghapong programa batay sa AGB Nielsen Media Philippines.

'Yun nga lang, huwag sanang lumaki agad ang ulo nina Aljur at Kris. May mga tsika kasi na nag-iba na ng ugali ang dalawa, lalo na si Aljur.

Masyado na raw feeling sikat na sikat na ang da­lawa, lalo na at alam nilang nagugustuhan na sila ng mga fans ngayon.

Naku, sana nga ay hindi totoo ang mga tsika. Aba, hindi sapat `yung nagkaroon sila ng isang hit sa TV, para magbago na ang ugali nila, `di ba?
Sa panahon ngayon na ang bilis-bilis ng mga pangyayari, baka bigla silang talikuran ng mg fans nila, kapag naamoy ang pagbabago ng ugali nila, `no!

Source: Abante