|
|
| Aljur bagong dramatic actor ng KapusoAuthor: Noel Asiñas PINAHANGA kami nang husto nina Aljur Abrenica at Kris Bernal dahil sa magandang acting performance nila sa Nandito Ako... Nagmamahal sa Yo, na showing na mga sinehan sa buong bansa. Bilib kami sa dramatic scenes ni Aljur sa pelikula na talaga namang naiyak kami sa confrontation scenes ng aktor. Ibig sabihin, lumutang nang husto si Aljur sa pelikulang ito. Ngayon pa lang masa-sabi namin na may another reliable dramatic actor ang GMA-7 kay Aljur. Sa mga naging produkto ng StarStruck, tanging si Aljur ang masasabing tunay na aktor kapag umarte. Magaling siyang mag-internalize ng character at mapi-feel mo ang mga eksena na ipinagagawa sa kanya. Sa presscon ng movie ay sinabi ni Aljur na kung mapapansin ang galing ng kanyang akting sa movie, utang na loob niya ito sa kanyang direktor na si Maryo J. delos Reyes. Si Direk Maryo daw kasi ang nag-guide sa kanya nang husto sa mga eksenang ipinagawa sa kanya. Hindi rin naman nagpahuli si Kris sa dramatic scenes nila ni Aljur. May maamong mukha kasi si Kris kaya effective rin itong maging bagong dramatic actress ng Kapuso Network. Puwede na siyang i-level kay Marian Rivera pagdating sa pag-arte, huh! * * * NAG-DONATE ng P1 million cash si Manny Pacquiao sa Kapuso Foundation relief operation para sa mga nabiktima ng pagbaha. Kahit busy sa training ay agad nagpadala ng tulong si Manny para sa mga biktima ng bagyo. Bukod dito, ang sariling foundation ni Manny ay mag-iikot sa mga nasalanta ng bagyo sa iba't ibang lugar sa Metro Manila dala ang truck-truck sa relief goods sa Linggo. At hindi imposibleng makakasama ni Manny sa isasagawang relief operation ang cast ng Show Me Da Manny. * * * UMPISA na ng auditions para sa pagbabalik ng pinakamasayang gameshow ng buong pamilya, ang Family Feud! Ihanda na ang buong pamilya at bumuo ng grupong may limang family members (18-anyos pata-as), magdala ng dalawang valid IDs at original copy ng birth certificate at mag-audition sa GMA Network Center tuwing Sabado mula 10am hanggang 3pm sa GMA Network Drive. Huwag nang magpahuli dahil ito na ang pagkakataon ninyong maging bahagi ng kinagigiliwan at top-rating gameshow ng Kapuso Network, ang Family Feud, na mapapanood na sa October 19. * * * TULOY na ang water tank escape ni Bearwin Meily ngayong Sabado sa special portion ng Pinoy Records na hindi natuloy ipalabas last Saturday dahil na-preempt sa coverage ng malawakang pagbaha sa Metro Manila dala ng bagyong Ondoy. Marami ang nasabik sa ginawang magic na ito ni Bearwin na pinaghandaan ng comedian ng tatlong buwan. Tanging si Bearwin lang ang nakagawa pa nito sa bansa. Tinawag ang magic na ito ni Bearwin na Celebrity Dare. * * * DAHILsa bagyong Ondoy , walang nakasipot na contestants ng Celebrity Duets last Saturday. Maraming nag-attempt na pumunta sa studio na contestants at ka-duet na celebrity, pero hindi sila na-karating dahil sa nangyaring pagbaha. Hindi lang naman ang Celebrity Duets ang apektado ng bagyo, maging ang ibang programa ng ibang TV stations ay nag-replay din dahil sa bagyo. Ang nag-live lang last Saturday ay ang Startalk, kung saan ipinakita ang karanasan ng mga artistang biktima ng baha, tulad nina Cristine Reyes, Sylvia Sanchez, Gladys Reyes,mag-inang Jean Garcia at Jennica Garcia. Sa taga-GMA, ang grabeng nabiktima ay ang senior program manager na si Ms. Redgie Magno-Acuña,. Nalubog kasi sa baha ang buong first floor ng kanilang bahay, kasama ang kanyang dalawang kotse, sa may Marcos Highway. Isa rin sa nilubog ng baha ang bahay ay ang showbiz columnist na si Erlinda Rapadas na nakatira sa Executive Village sa Marcos Highway. * * * PANIBAGONG saya ang Bubble Gang this Friday dahil sa winner sa takilya sina Yaya at Angelina. Yes, ang character na ito nina Michael V at Ogie Alcasid ay pinipilahan pa rin hanggang ngayon sa mga sinehan. This Friday, abangan ang nakatutuwang gags tungkol sa paglalayas ng isang tao. Guests sina Michelle Madrigal, Chariz Solomon at Dennis Trillo. * * * May special treat ang TV5 dahil magku-cooking demo at magshe-share ng kanyang special recipe si Judy Ann Santos sa How 'Bout My Place Tonight? sa October 1, 11:30pm. Kasama ang best chefs na sina Chef Fernando Aracama and Chef John Cu-Unjieng, magpapakitang-gilas din si Juday bilang isang cook. Sabi nga nila, wives are the best cook. At puwedeng mag-attest si Ryan Agoncillo dito as Juday shares her special recipe on Asian noodles. Pero hindi lang naman basta wife si Juday, dahil isa na rin siyang budding professional chef. Juday has just recently received her Certificate of Competency in cooking mula sa TESDA noong July at may Culinary degree rin mula sa Center for Asian Culinary Studies bukod sa course niyang tinake sa International Cuisine sa Thailand. Juday has assumed many roles in her showbiz career -- child star, daughter, sister, lover, superhero -- at sa totoong buhay just last April, wife, to Ryan. At kahit alam niya ang iba't ibang roles ng isang wife, iba pa rin ang pagmamahal at passion ni Juday sa pagluluto. Enjoy this delicious moment as we all learn and get essential cooking tips straight from Juday sa How 'Bout My Place Tonight? sa Huwebes sa TV5. Source: Taliba |