Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Aljur, kabado kay Ara

Author: Nitz Miralles

Nasa S. O. P. kahapon si Wilma Galvante, ang SVP for Entertainment ng GMA-7, at ibig sabihin, hindi siya dumalo sa 10 a. m. baptism ni Queen Elizabeth Pacquaio sa General Santos City kahapon din. Hindi sila nagkita ni Annbelle Rama na gaya ni Ms. Wilma ay ninang din ng anak nina Manny at Jinky Pacquiao

Hinihintay pa naman ang mga eksena sa pag-kikita sana nina Annabelle at Ms. Wilma kung mag-babatian ba o mag-iisna-ban ang magkumare. Gagawa siguro ng paraan si Manny na magkausap ang kanyang mga kumare.

* * *

This Monday ang simula ng sinabi nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na madadramang eksena sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Sabi rin ng aktor, magiging exciting ang character ni Homer at mas titindi ang conflict nila ni Rado (Paolo Contis).

Thankful ang dalawa sa loyal viewers ng kanilang soap at naiintindihang part ng story ang mga nauna nilang mga halikan. Naniniwala sina Marian at Dingdong sa project ni Direk Carlo J. Caparas at importanteng makita ng viewers na nag-try sila ng ibang characters at kaya nila.

Samantala, sa ABHSAT mamaya, makikita ni Heleen (Angelu de Leon) ang wanted sketch ni Proserfina (Marian) sa TV at tatawag siya sa mga pulis. Aaminin ni Proserfina kay Homer na siya ang pumatay kay Enrico (Ryan Eigenmann) at hahanapin kay Homer ng pulis ang dalaga.

* * *

Dalawang shows ang ibinigay kay Ara Mina sa pagbabalik niya sa GMA-7 at baka sa Bubble Gang bumalik na rin ito't miss na niya ang gag show at mga kasama.

May special role si Ara sa Totoy Bato bilang asawa ni Robin Padilla, pero kay Manny Pacquiao pa rin siya pilit inili-link. Ito'y kahit may boyfriend na siya na kung kanyang i-describe ay "very intelligent, very young, very supportive and understanding. "

Two months na ang relasyon nila, pero hindi pa rin binabanggit ni Ara ang name ng BF na si Raymond Ilusurio-Yap.

Nakita namin ang picture ng guy sa cellphone ng isang reporter na padala ng friend niya from Hongkong na kinunan sina Ara at BF nang magbakasyon du'n.

Kasama rin si Ara sa TV remake ng Dapat Ka Bang Mahalin? at binuking nito na kinakabahan ang young actor na si Aljur Abrenica sa kissing scene nila. Nangako naman siyang aalagaan at iga-guide ito.

* * *

Wala pang eksenang magkasama ang mag-amang Robin Padilla at Queenie Padilla nang gawin ang presscon ng Totoy Bato at looking forward ang dalaga na maka-eksena ang ama.

Susundin niya ang payo ng ama na 'wag mahiya 'pag nasa harap na siya ng kamera, lalo na't bratty ang role na gagampanan niya sa first soap niya.

Hirap sa Tagalog si Queenie at 'pag nag-Tagalog ay may Australian accent dahil du'n siya lumaki, kaya ang ginagawa'y nagbabasa siya ng Tagalog reading materials at nanonood ng TV. Nakiusap din siya sa press na sa Tagalog siya kausapin at 'wag i-Inglesin.

Action ang dream role ni Queenie gaya ni Angeline Jolie at gusto rin niyang magdrama gaya ni Iza Calzado. Sa singer, si Regine Velasquez at U2 ang favorites nito. Heto pa, love niya ang Twilight book at movies at crush niya si Robert Pattinson, gumanap na Edward Cullen. Ang makagawa ng album ang isa sa mga pangarap ng dalaga ni Robin.

* * *

Malapit nang magtapos ang Luna Mystika at wala pang next project si Jace Flores, castaway ng season one ng Survivor Philippines at talent ng GMA Artist Center, gusto pa naman nitong mag-fulltime sa acting.

Hindi na si Heart Evangelista kundi si Isabel Oli na ang crush ni Jace at gandang-ganda siya sa actress na nakasama sa Values Formation Seminar ng GMAAC at hindi raw magbabago ang admiration niya rito kahit makasama niya sa trabaho.

Samantala sa LM, ibabalik ni Celestina (Heart Evangelista) si Malou (Kris Bernal) mula sa pagiging halaman. Pupuntahan nina Joaquin (Dante Rivero) at Dante (Gardo Versoza) si Luna (Heart) na sumama na kay Dexter (Mark Anthony Fernandez).

* * *

Puno ng human interest ang documentary ni Howie Severino for I-Witness this Monday na Boulder Boys dahil hindi lang kuwento ng hirap sa trabaho ang ire-report, pati na ang magandang friendship ng three boulder boys.

Nagbubuhat sila ng mga bato para ibenta at ginagawa nila ito sa init ng araw. Three Stars ang tawag nila sa kanilang grupo.

Si John Paul ang lider ng Three Stars (tawag nila sa grupo) na nagtatrabaho para sa pamilyang iniwan ng lasenggong ama.

Si Arnel, isang Aeta na handang ipagtanggol ng mga kaibigan na mang-aalipusta rito at si Alvin, ang tagahatid ng pagkain sa mga kaibigan. Nagka-polio ito kaya 'di makapagbuhat, pero kayang mag-bike.

Source: People's Tonight