Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Aljur nadisgrasya sa shooting

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

AYON sa handler ni Aljur Abrenica, nadisgrasya ang aktor sa taping ng All My Life kaya itinakbo nila ito sa St. Lukes Hospital para gamutin kaagad ang nabaling buto sa kanang kamay niya.

Naganap ang aksidente sa fight scene ni Aljur kung saan nagkamali raw ito ng suntok at tumama ang kamay sa pader. Sa sobrang la-kas ng pagkakasuntok ay nabali ang kamay nito kaya kinailangang isugod agad sa ospital, kung saan sinabihan daw ng doctor si Aljur na kailangang operahan siya para maisaayos ang nabaling buto. Tapos na raw ang operasyon at kasaluku-yang nagpapahinga ngayon ang aktor. * * *

KUNG dati ay todo deny si EB Babes Lian na buntis siya, ngayon ay kinumpirma na ito ng sikat na member ng EB Babes ng Eat Bulaga.

Desidido raw si Lian na ituloy ang pagbubuntis base na rin sa payo ng kanyang OB Gyne. Mahihirapan na raw kasi siyang magbuntis sa susunod dahil may diperensiya pala siya sa ovary.

Ang maganda, tanggap ng pamilya ni Lian ang pagbubuntis niya at ang ama ng sanggol na si Paolo Contis. Pero, may nagparating sa amin na tila 'di pa raw handa si Paolo na maging tatay.

Problemado raw nga-yon si Paolo dahil 'di raw kasama sa kanilang plano na magkaroon kaagad ng anak.

Ayon naman sa kampo ni Lian, wala raw itong pi-nagsisisihan. Willing daw ito na i-give up o isakripisyo ang showbiz career. Hindi rin daw pumasok sa isipan nito na ipalaglag ang nasa si-napupunan para 'di matuloy ang pagiging ina niya.

Unfair naman ang ikina-kalat ng supporters at friends ni Paolo na sinadya raw talaga ni Lian Paz na mabuntis para hindi na makawala sa kanya ang aktor.

Dapat ngang hangaan ang ginawa ni Lian na ituloy ang pagbubuntis dahil ipinakita lang niya ang wagas na pagmamahal kay Paolo. * * *

HINDI pa man nailalabas sa TV ang Lovers in Paris first teleserye ni KC Concepcion, may inihahanda nang bagong film project para sa kanya ang Star Cinema.

"We are hoping that said project would do really, really well. Matagal na na-min itong pinag-uusapan," say ni KC sa presscon ng Lovers in Paris.

Naikuwento rin ni KC na gumagawa na siya ng ba-gong album for Sony Music at doing a lot of things for Bayo para sa United Nations Food program.

"I`am going to Singa-pore for Formula One next week. I`am going to do some speeches there as an ambassador for the UN," say pa ng leading lady ni Piolo Pascual.

Samantala, ma-saya si KC dahil nagkaayos na ang kanyang parents na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

"I`am happy kasi 15 years din akong naghintay na magkaayos sila. Now I can see that they are really, really okay and are happy with both of their respective families.

"And feeling ko kung hindi nangyari 'yon, sob-rang bigat sa puso," aniya pa.

* * *

RIOT sa taping ng Show Me Da Manny nang mag-guest si Dingdong Dantes na ipinalabas Sunday night. Kuwela ang naturang epi-sode na maging si Manny Pacquiao ay nakapagsabing bagay sina Marian at Dong sa isa't isa bilang love-team on and off screen. Maganda ang feedback ng show na napapanood every Sunday, dating time-slot ng Full Haus sa GMA 7.

Ang tsikang nakarating sa amin ay na-extend ang one season lang sanang show ng Pambansang Kamao dahil na rin sa dami ng nagre-request at nag-aabang sa show, isama pa ang pagdagsa ng commercials.

Nangako si Manny na kahit ano ang mangyari sa nalalapit niyang laban kay Miguel Cotto sa Las Vegas on Nov. 14 (Nov. 15) sa ating bansa ay hindi niya iiwanan ang SMDM dahil nage-enjoy siya sa istorya at mga kasama sa show.

* * *

HINDI masisisi ang may-bahay ni Gary Valenciano sa naglabasan na mahina ang tickets sale ng concert nina Gary at Martin Nievera titled As I na mag-react na hin-di totoong mahina ang benta ng tickets. Ipinagmalaki pa nga nito, nang malapit na ang araw ng concert, na dumagsa na raw ang bumibili ng tickets sa concert.

Although inamin din nito na may araw na talagang ma-hina ang sales, pero nabawi naman daw nang malapit na ang concert. May nagtaray namang writer na dapat daw ay aminin or tanggapin na nina Martin at Gary na mahina na anapaglipasan na sila ng panahon.

Source: Taliba