Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Aljur-Kris, hilaw pa! Jaclyn, gaya-gaya kay Gina!

Aljur-Kris, hilaw pa! Jaclyn, gaya-gaya kay Gina!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

Tanong: Bakit daw kinailangan pang magkaroon ng scenario sa Paris ang “Losers In Paris” kung babalik din naman pala sa Pilipinas at dito iikot ang kuwentong magulo na 'di ko mawari kung ano at papaano.

Hayan tuloy at pati 'yung “Nagsimula Sa Puso” ni Maja Salvador ay gumaya na rin na kunwari ay sa Paris din nagkapares-pares!

And lately, Jaclyn Jose is beginning to act more like Gina Alajar in her wicked mother role in “Kambal Sa Uma”, huh!

Gaya-gaya na naman, puto-maya!

Eh sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos hindi kailangang umak­yat sa langit sa “Stairway To Heaven” para umakyat ang ratings ng show nila, noh!
***

Hilaw pa raw talaga ang tambalan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal (kay dami namang screen names na puwedeng gamitin bakit combined Kris Aquino-Joyce Bernal pa ang ginamit?) kaya 'di kumita ang mo­vie nila.

Oo nga at nagklik daw ang unang teleserye nila, pero 'yung ikalawa ay bagsak din naman. Bakit kaya at sino ang kumumbinse kay Mother Lily para iprodyus ang dalawa ng solo movie nila? Si DMV na naman ba ang nangumbinse kay Roselle M. Teo?
***

Wanna be a senator? Then be the OMB chairman! Sure win ba naman 'yun?

It worked for former OMB chairman Bong Revilla. Nanalo siya bilang senador.

Plano ni Manzano na tumakbo rin for senator. Makarating naman kaya siya sa senado? Uub­ra kaya ang same style and technique na ginamit ng anak ng may agimat? I hope not!

Kung walang nagawa si Edu as OMB chairman, ano naman kaya ang gagawin niya sa senado? Sasamahan ang biyenan niyang si Freddie Webb?

Matapos ang tatlong failed marriage ('di naman yata kasal kay Rina Samson si Eduardo, ha), ano ang maaasahan ng taumbayan sa kanya sa senado? Mag-isip-isip sana ang mga botante, ha!

Hindi lahat ay game sa laro ni Eduardo - lalo na ako! It's a dirty game!

Now who's next for the Senate seat? Ang bagong upo na si Ronnie Ricketts? Will he aspire too for a seat in the se­nate kaya tinanggap ang OMB chair?

Gosh! Dapat si­guro sungkitin ko na rin ang OMB chair ­para ma­ging senador din ako and head the noisy komite, noh! May ka­la­ban na ang silent komite ni Lito Lapid. Ha! Ha! Ha! Ha!

Source: Abante